Binaril ang anak; 1 pa tinaga 2 lasenggong ama, kalaboso

KALABOSO ANG dalawang ama na tumaga at bumaril sa kanilang mga anak sa magkahiwalay na lugar sa Baguio City at Zamboanga City.

Kasong parricide ang kinakaharap ni Manuel Napadawan, 34-anyos, minero, ng Kias, Baguio City nang barilin hanggang mamatay ang kanyang 7-anyos na anak na lalaki.

Sa report, lasing si Napadawan at una nitong sinaktan ang misis na si Dina, 28-anyos, at tubong Atok, Benguet.

Kuwento pa ni Dina, nagtungo sa likod ng kanilang bahay ang kanyang mister at nagsisigaw bago kumuha ng baril at nagpaputok.

Lumabas daw ang kanilang anak na nagrereklamong masakit ang kanyang tagiliran, ngunit laking gulat umano niya dahil duguan na ito.

Dahil dito ay agad niyang isinugod ang anak sa Baguio General Hospital and Medical Center ngunit idineklara ng mga doktor na dead on arrival ang biktima.

Napag-alamang nagtungo rin sa pinangyarihan ng krimen ang Scene of the Crime Operative (SOCO) at narekober nila ang isang basyo ng bala.

Samantala, nilalapatan ang isang taong gulang na batang lalaki makaraang aksidenteng mataga ng kanyang ama na si Rambo delos Reyes, 32-anyos, ng Zamboanga City.

Kaagad namang pinaa-resto ang suspek ng kanyang mismong misis na si Lina, 28-anyos.

Sa selda, inamin ng suspek ang krimen subalit sinabi nito na hindi niya sinadya ang naturang pangyayari dahil hindi rin niya alam kung bakit niya tinaga ang kanyang anak na itinago sa pangalang “Bulak” dahil sa sobrang kalasingan.

Sinabi ng misis nito na posibleng matagalan ang pagkakulong kay Rambo dahil wala naman silang pera para maglagak ng piyansa subalit nangangambang magutom dahil wala naman itong trabaho.

(EUNICE CALMA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.