Binanta, Todas sa 4

ISANG 18-ANYOS na batang lalaki ang pinagbabaril ng isa sa apat na hindi nakikilalang suspek na hinihinalang kagagawan ng kalabang grupo sa Malabon City kahapon ng madaling-araw.

Dead on the spot sanhi ng apat na tama ng bala ng .45 caliber pistol ang biktimang si Reymund Batchicha, 18, alyas “Cedie”, binata, ng # 235 Sitio 6, Brgy.Catmon ng nabanggit na lungsod.

Sa ipinarating na ulat ng Malabon PNP sa tanggapan ng Northern Police District (NPD), bandang alas 12:45 ng umaga nang maganap ang nasabing insidente sa Asero St., Barangay Tugatog.

Nabatid na naglalakad ang biktima pauwi sa kanyang bahay nang biglang magdatingan ang apat na hindi nakikilalang kalalakihan na pawang armado ng baril at walang sabi-sabing pinagbabaril ang biktima na agarang ikinamatay nito.

Matapos ang pamamaril ay nagsitakas ang mga suspek sa iba’t ibang direksiyon dala-dala ang ginamit na mga baril.

Ayon sa ilang kalugar ng biktima, ang may kagagawan ng pagpatay sa biktima ay kalabang grupo.

Sa kalasalukuyan ay nagsasagawa ng follow up operation ang nasabing himpilan ng pulisya para sa ikadarakip ng mga suspek at malaman ang tunay na motibo sa likod ng pamamaslang sa biktima.

(ROMAN MAGPOC) 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.