Binalot sa kumot at ipinasok sa sako Bangkay ng Kelot, Narekober

PATULOY PA ring kinikilala ng mga awtoridad ang bangkay ng isang lalaki na pinaghihinalaang biktima ng salvage sa Brgy. Kabanwa, bayan ng Argao, Cebu City.

Ang biktima ay tinatayang nasa edad 24 pataas, kung saan ay wala itong suot na damit, 5’2” ang height, na binalot ng kumot at ipinasok sa isang sako.

Ayon kay PO2 Benjamin Hensaga, desk officer ng Argao Police Station, isang nagngangalang Lopez umano ang nagsumbong sa kanilang tanggapan matapos nitong matagpuan ang bangkay.

Si Lopez ay may-ari ng isang sakahan, kung saan iniwan ang nasabing biktima ng hindi nakikilalang mga tao.

Base sa imbestigasyon ng mga kinauukulan, nakitaan ang biktima ng pasa sa mukha at tama ng baril sa ulo at katawan.

Wala rin umanong residenteng nakakakilala sa biktima sa nasabing barangay.

Dinala na sa punerarya sa lungsod ng Carcar ang bangkay at nakatakda itong isailalim sa awtopsiya.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.