Binaca King, ipinagmamalaki si Dennis Trillo

GOOD KARMA ang mga nangyayari ngayon kay Dennis Trillo dahil nalalampasan pa rin niya ang mga problemang sunud-sunod niyang naranasan. May lovelife na naman siya habang busy sa kanyang mga proyekto sa GMA-7. Natahimik na ang huling eskandalo sa lovelife na kanyang dinaanan last year, at iyon ay ang kontrobersiyal nilang paghihiwalay ni Jennylyn Mercado na dahil sa mga pagbubulgar ng aktres, ay gumewang talaga ang career ng mahusay na aktor dahil marami rin ang nagsimpatiya kay Jen sa naging dahilan ng kanilang hiwalayan.

Marami pa umanong puwedeng ibulgar si Jennylyn na lalo pang makasisira sa personalidad ni Dennis. Pero wala nang ganu’ng nangyari, dahil biglang naging maaliwalas ang mundo ni Jen dahil puro masasaya at magagandang salita na ang dala ng kanyang mga kuwento magmula nang magkakilala at mauwi sa relasyon ang pagtitinginan nila ni Luis Manzano.  Kahit ang muling pagsasama sa project nina Dennis at Jennylyn ay positibo na rin ang mga sinasabi ng GF ni Luis.

Ngayon ay si Bianca King na ang malapit sa puso ni Dennis. Ipinagmamalaki na ng magandang aktres na boto ang kanyang mommy sa aktor. Inaabangan na ngayon kung saan hahantong ang kanilang relasyon. Huwag naman daw sanang mangyari, na kung hindi sila magtagal, ay maiba naman ang kuwento ng kanilang hiwalayan sa naging pakikipaghiwalay ni Dennis kina Carlene Aguilar, Cristine Reyes, Jennylyn at Pauleen Luna. Matuto na rin sana at mag-ingat sa gulo ng pakikipagrelasyon si Dennis. Katulad ng mga naunang nakarelasyon at nakahiwalayan ng aktor, si Bianca rin ay prangka at sobrang palaban kapag naaagrabiyado.

 

BLIND ITEM: Maraming artista sa showbiz ang pupuwedeng bansagan ng titulong “Taray Queen” pero ang iba naman sa kanila ay nakikisakay lang sa nasabing titulo para mapansin sa showbiz. Ilan lang sa kanila ang nagtataglay ng tunay na katangian para sa nasabing titulo, katulad na lamang ng beteranang aktres na itago natin sa pangalang Farida Anson.  Kapag siya ang nagtaray at nagsalita ng mga katagang lumalatay, ay wala kang magagawa kundi ngumanga sa sindak at paghanga.

Napakayaman na ni Farida, dahil kilala ang kanilang angkan sa pagiging masinop sa pera at mahiligin sa pagnenegosyo.  Mayroon siyang naglalakihan at magagandang bahay sa mga subdibisyon sa buong Pilipinas. Hindi nakapagtataka na yumaman si Farida, dahil sumikat siyang artista at naging movie producer din siya. Magaling siyang aktres, kaya marami ang gustong bumalik siya sa showbiz. Nang tanungin nga siya, papaano kung operan siya ng isang TV station na lumabas sa isa sa kanilang mga teleserye. Ang sagot daw ng beteranang aktres: “Hindi ko na kailangan ‘yan. Mayaman na ako para patulan ang offer na ‘yan!”

Kamakailan naman sa isang malaking okasyon sa showbiz ay nagkatipun-tipon ang mga sikat na artista, at dumalo rin doon ang mga kasabayang artista ni Farida sa isang sikat pero nagsarado nang movie company. Habang nasa kainitan ang party ay dumating ang isang kontrobersiyal ngayong beterana ring aktres na kilala sa katarayan na si Rina Amoyo.  Sabi ng mga naroong kakilala ni Farida: “Hayan na ang isa sa mga kasabay mo sa showbiz.” Ang litanya raw ni Farida:  “Excuse me, pero hindi namin siya ka-level. Starlet lang siya noon!”.

 

ChorBA!
by Melchor Bautista

loading...

7 thoughts on “Binaca King, ipinagmamalaki si Dennis Trillo

  1. Ang yayabang namn mag comment ng tao dito laban kay dennis, di nyo naman kilala yung tao
    Ng personal, you cannot put a good man down, kaya tama writer na ito good karma kay dennis ang taong ito. 

  2. kawawang Bianca professional pa naman siya but ang bagsak lang niya ay Kay Dennis trillo.na walang modo,but thats your choice Bianca,of course if in love ka you dont see ang kasamaan at kawalanghiyaan ni Dennis devil trillo.sana naman pakasalan ka na ni Trillo,para matigil na ang walang respeto nya sa mga babae,he will be nice sa yo because hindi pa niya nakukuha ang gusto niya sa iyo,but pag natikman ka na niya ng ilang beses,yayain mo kaagad to marry you kasi baka takbuhan at physically saktan ka {i think thats his way to get away from responsibility]sana naman bantayan ka ng Mom mo 24/7 para hindi makalusot si Trillo dalhin ka sa Motel

  3. pagsasawaan lang iyan ni dennis ! may bago pa ba? tusok lang ng tusok dennis hanggang mapudpod at buka lang ng buka hanggang magkakalyo! ang lalaswa nyo!

  4. Anong good karma Dennis “pandak woman beater ” Trillo ang mga pinagsasabi mo melchor bautista,get real,I hope and pray na pagbayaran ni Pandak Trillo yan ang mga kasalanan nya sa mga previous relationship nya of course pasado siya sa Mom ni Bianca dahil of course,pera pera lang yan pwe

  5. HOY MELCHOR! KAWAWA NAMAN YUNG NAME NI BIANCA AT GINAWA NYONG BINACA. KAPUSO YAN, MAGANDA, SEXY AT MAGALING NA ACTRESS, PAKIAYOS NAMAN YAN……….

Leave a Reply

Your email address will not be published.