Binabawi ang Namanang Bahay at Lupa

Dear Atty. Acosta,

 

AKO PO ay may naging kapit-bahay na matandang babae. Isa siyang dalaga, walang anak at nag-iisa lamang sa bahay niya. Dahil sa kanyang katandaan, hirap na siyang kumilos at magtrabaho sa bahay. Ako po ang tumulong sa kanya at nag-alaga noong mga panahong walang nag-aalaga sa kanya, lalo na noong bago siya mamatay. Bilang pagtanaw ng utang na loob, pinayagan niya akong tumira sa bahay niya dahil ako ay nangungupahan lamang sa bahay na aking tinitirahan. Bago mamatay ang matandang ito, gumawa siya ng deed of donation na inililipat ang pag-aari ng bahay at lupa sa akin. Subalit hindi po ito notaryado, pero merong mga testigo na nakapirma pa sa nasabing dokumento. Sa ngayon po ay may lumitaw na kapatid ang matandang ito at binabawi sa akin ang bahay at lupa. Mababawi po ba sa akin ang lupa? Payag siyang magbigay sa akin ng bahagi ng lupa para wala nang abalang demandahan. Ano po ba ang dapat kong gawin?

 

Maria

 

Dear Maria,

 

ANG GINAWANG pamimigay sa iyo ng bahay at lupa ng matandang babaeng nabanggit sa iyong liham ay isang donasyon. Ang transaksyong ito ay dapat naaayon sa batas upang magkabisa. Dahil ang ipinamigay sa iyo ay isang bagay na ‘di natitinag o immovable property, ang donasyon, ganoon na rin ang pagtanggap dito ng taong pinagbigyan, ay dapat napapaloob sa isang pampublikong dokumento para magkabisa. Ito ang sinasabi ng Artikulo 749 ng New Civil Code of the Philippines na nagsasabi ng mga sumusunod:

“Art. 749. In order that the donation of an immovable may be valid, it must be made in a public document, specifying therein the property donated and the value of the charges which the donee must satisfy.

The acceptance may be made in the same deed of donation or in a separate public document, but it shall not take effect unless it is done during the lifetime of the donor.

If the acceptance is made in a separate instrument, the donor shall be notified thereof in an authentic form, and this step shall be noted in both instruments.”

Maliwanag sa nabanggit na probisyon ng batas, na ang isang donasyon patungkol sa isang bagay na ‘di natitinag, katulad ng lupa, ay dapat na nasa isang notaryado o pampublikong dokumento upang ito ay magkaroon ng bisa. Samakatuwid, ang ginawang donasyon ng matandang babae ay walang bisa dahil ito ay hindi naman notaryado kahit na mayroon pang mga testigong nakapirma rito. Isa pa, wala ka ring nabanggit na ito ay iyong tinanggap. Kung ito ay hindi mo tinanggap, wala ring bisa ang nasabing donasyon (Article 745, New Civil Code of the Philippines).

Dahil walang bisa ang donasyon, maaari kang mapaalis ng tagapagmana ng matandang babae sa nasabing bahay at lupa. Kung siya naman ay bukas sa pagkakaloob ng parte ng lupa sa iyo, mas mabuting makipag-usap ka na lang sa kanya at tanggapin ang kanyang alok.

Atorni First
By Atty. Persida Acosta

loading...

8 thoughts on “Binabawi ang Namanang Bahay at Lupa

  1. Dear Atty .Acosta,
    isa po ako sa taga hanga mo nais ko po sanang malaman kung karapatan ko po ba na sampahan ng kaso ang asawa ng live in partner ko? gusto ko po sya kasuhan sa paninirang puri nya skin.ang unang punag awayan namin sa fb ang ang hnd nila pagbigay ng sahud ng tama at sapat sa partner ko kya po kmi ng away away hanggang sa fb ko po pinost kc binabali wala lng nila ang partner ko po ngttx skin n hnd pa daw sya binabayaran kaya ako ng tanung n sa mag asawa bkit sabi ko ngttx si partner skin n hnd pa daw kau ngbabayad e ang tagal n ng trabaho ng bahay nyo napakalaki halos sya lng gumagawa na mason halos apat n n buwan mahigit gaano b ito katotoo sabi ko.ngreply ang pinsan n lalaki.sabi ate pumayag sya sa ganito usapan nmn makukuha lng nya 15k.so nagulat ako kc napakalaki n bahay kasama pa tindahan malaki rin apat n buwan mahigit ginawa ng partner ko gnun lng pala makukuha nya ang partner ko ngsabi skin salita lng na sana darling hnd nmn ako maagrabyado sa ginawa ko n bahay sa knila.so doin n ako kinabahan.ngayun ito na skin ngsasabi partner ko sila nmn snsbhn ko ngayun.so ngayun po ang ngyari sinabihan n ako sa fb n kabit kabit ka lng kasi kaya niloloko ka.putang ina mokabit ka ng ngangawa ka jan wala ka alam sa binayad namin.itinanong ko yan sa partner ko hnd daw totoo mga sinasabi ng asawa ng pinsan nya.tpus ito pa sinabihan na ako putang ina mo kang kabit ka makati kapa sa gabi.andto mga message n yan sa fb ang akin lng bkit kilangan ako sabhn ng ganun eh hnd nmn kalandian pinag aawatan nmin.hnd ko maisip bkit kilangan nya ako sbhn ng kabit makati kapa sa gabi.pwidi ko po ba sya kasuhan at sampahan ng anung kaso po dapat.gusto ko sya mabigyan leksiyon Tarlac po sila at ako nmn Quezon city.maraming salamat po Atty Acosta.

  2. Dear Atty Acosta
    Ang asawa ko po ay isang adopted pro Hindi po legal ang pag adopt sknya.ngyn po matanda n po yung byenan ko my lupa po sya na gusto po nya sa asawa ko po ipamana yung lupa kaso po ang problema yung titulo po nya hiniram po dati ng kapatid nya dhil nagkaskit inilipat sa pangalan nung kapatid PRA maisanla hanggang sa nakamatayan na nung kapatid Hindi po naibalik sa pangalan ng byenan ko po dhil may utang DW po yung byenan ko na 80k ang gusto po NLA hahatiin yung lupa PRA sa kabayaran ng utang at yung kalahati LNG ng lupa ang ibbalik NLA pro deed of sale LNG ang ibbigay NLA.ngyn po dahil ampon LNG po yung asawa ko Hindi po binibigay ng relatives ng byenan ko ung deed of sale dhil ampon nga LNG po pro gusto po ng byenan ko sa asawa ko po mappunta lhat ng ari Arian nya.pro pano po kya gagawin nmen Hindi po legal ung pag adopt at prng gusto ng mga pamangkin ng byenan ko sknla mapunta lhat ng pag aari ng byenan ko po.ano po ba dapat nmen gawin wla nmn po kmi sapat na pera kung magffile kmi ng kaso.at bka wla dn po kmi laban.buhay pa dn po byenan ko kmi po nagaalaga.wla din po kapatid byenan ko patay na po lahat.bka PDE nyo po kmi matulungan po.kc gusto po NLA kkunin NLA ung byenan ko po cla DW po magaalaga tpos kmi po aalis dto sa bhay ng byenan ko po..SNA matulungan nyo po kmi.salamat po.

  3. Dear Atty.,
    Ako po ay sinaktan ng asawa ko nakita ito ng aking 6na taong gulang na ank at narinig ng 3ko pang mga anak. At tinakeover na niya ang management ng business namin. Nagpa medico legal ako after 24hrs kaso physically negative na po ang findings. Nagpa blotter din po ako sa police for record. Sa bahay pa rin namin ako tumutuloy ng mga nakalipas na araw dahil wala akong pera at malayo sa mga kamag anak may 5 kaming mga anak. Nag patulong ako sa bantay pamilya sa aming lugar. Habang hindi pa naiserve ang sulat sa mr. Ko bumisita ako sa opisina ng bantay pamilya at sinabing ako na lang ang magdala sa brgy.hall dahil wala silang volunteer. Ginawa ko naman nadalahin ang sulat at sinabi sa brgy. na ako ay hindi dumaan sa kanila dahil kilalang tao sa brgy. Namin ang pamilya ng asawa ko. Pang3 beses na akong sinasaktan physical. Madalas ang verbal at emosyonal na panlilit. Pinapa serve sa brgy. Ang sulat. Ng gabing iyon sa takot ko hindi ako natulog sa bahay namin nakitulog ako kasama ang aking 2maliit na anak 6yo 3yo. Nag karoon ng paghaharap sa bantay pamilya at tinanggo niya ang pananakit. Ipinaliwanag lamang ng attorney kung ano ang karapatan ng asawa sa ariarian at negosyo ito ay 50.50. At ang pagmamanage daw ay sa lalaking asawa ang karapatan.Dahil sa sobrang paninira ng aking asawa sa harap ng attorney. Aking sinabi na tinatanggap ko na ang pag manage ay sa aking asawa at alam kong iyon ang laging isyu ng kanyang pagkagalit. Ang gusto ko na lang sanang mangyari ay humiwalay kami ng tirahan ng aking mga anak at sustentohan nya ito dahil sila ay nag aaral pa. Sa ngayon tumatanggap lang ako ng palaba. Ngunit sinasabi nyang ako ay magnanakaw dahil hindi naman nya ako binibigyan ng pera pero may pera ako. Pagod na po ako sa trato ng asawa ko sa akin pinalalabas nya na inagetate ko daw siya palagi para siya ay magalit. Sinisiraan nya ang pagkatao ko dahil ako ay isang anak sa pang ra rape kayat sinasabi nya na may childhood ptoblem ako. Sinabi nya ito sa harap ng atty. Ng bantay pamilya. At ng mag usap usap kami kasama ng mga anak kong edad 15,16,17. Upang ipaalam sa kanila ang desisyon kong umalis na sa bahay namin at hiningi rin namin ang opinyon nila at desisyon ng mga bata. Sasama daw ang aking mga anak sa akin. Siya daw ang maghahanap ng paupahan na kaya lang niyang bayaran siya ang mag grogrocery at ipapadala na lang sa atm ng mga bata ang allowance. Ang sabi ng aking asawa magsusustento daw siya kung HINDI KO SIYA SASAMPAHAN NG KASO VAWC. Kung ako daw magtutuloy na mag sampa ng kaso ng VAWC hindi siya magsusustento dahil ibabayad na lang daw niya sa atty. Pababayaan nya raw magutom ang mga bata at huminto sa pag aaral. Ipapalipat nya raw ulit ang titulo ng lupa sa nanay nya dahil ito ay may incumbrance (kung may incimbrance po ba hindi maibebenta ang parte ng lupa? Bakit naibenta nya na ang kaliwa at kanang parte ng lupa.ilang taon na bago pa ang pag uusap na ito). Ginawa daw ang incumbrance para maiwasan kamkamin ng mga abot sa pamilya nila ang lupang minana. Tanong ko po kung ito ay may katotohanan o sinasabi nya lang po ito para hindi ko siya sampahan ng kaso. Maari po bang mangyari ang sinabi nya. At hindi pag sustento. Salamat at humihingi ng payo nyo.

  4. Dearest atty.
    good day po, parang hindi po ata pantay ang kapwa natin karapatan… bilang babae sang ayon ako sa ating batas… pero kung tutuusin, anong karapatan ng ating mga ka lalakihan? panay naman ang supurtang binibigay niya twice a month, kinsinas po kasi sahod niya. every salary naka laan na para sa mga anak nya sa labas. then, umabot po ng ilang beses na pandinig sa local baranggay, at police station tungkol sa agreement nila…. stated there, na every sunday makukuha nya ang bata at isusuli ito kinabukasan. my point is….ang mother nung mga illegitimate child ang sumira sa agreement. its been 4 weeks na hindi nakasama nung ama ang mga bata….. so tanong ko lang po??? anong silbi ng agreement kung ang kabilang panig na mismo ang sumira… nakakasama lang ng loob… the fact na, we keep on supporting na hindi man lang namin nakaka sama yung mga batang pinag lala anan namin. at this time, plan po naming mag stop ng supporta, since yung nanay naman ng mga bata, buntis na sa ibang lalaki, umiinom ng alak, at may utang sa rafi loan… linggohan po ang bayaran jan. anong kasiguruhan namin na yung perang sustento na para dapat sa mga bata ay napupunta sa kanila…. hindi sa mga utang. bale dalawa na agreement sa brgy hall ang binaliwala sa nanay nung mga bata…. una noon, 1week dapat sa tatay at one week din sa kanya…. nabaliwala po yun dahil nadin sa, tuwing araw na dapat sa tatay yung mga bata, lagi nya itong sinusndo dahil may pupuntahan daw sila… at nauwi sa bangayan, kaya nawalang bisa na ang agreement na yun, pangalawa agreement na dapat goods ang binibigay hindi pera… yun ang napagkasunduan… hanggang sa nag laho, dahil sa ayaw na naman niyang ipapadala ang bata, kung hindi pera ang ibibigay. anong pwedi naming panlaban sa mga ganitong klasing tao…masyadong halata na pera ang gusto hindi po sustento. anong rights po nang ama sa ganitong sitwasyon. and plan nang lalaki na makasal sa babaeng kinakasama nya ngayon… anong rights din nang kanyang magiging legal na asawa.? pagdating ng araw….

    lubos na gumagalang,
    anjing

  5. gandang umaga po , hinge lng po ako ng tulong.May lupa po kasi kame na ipinamana pa ng aking ama.May titulo po at nakapg byad din po ng buwis,pero sa tgal po ng panahon may nagsasabing kanya ang lupang yon,ngayon po binoboldoser po at tinatapyas para lakihan ang katbing kalsada..ngunit malaking parte po un at ksama sa sukat ng lupa.pti po mga tanim at puno na pinag hirapan pa ng mgulang ko ay nadamay at nasira.. wla daw po kame mgagawa dahil kanila ung lupa.paano po yun?eh may titulo po kameng pinang hahawakan ,may hbol pa po b kme dun?maari nyo po b kme mtulungan tungkol dito,kaylangan po namen ipag lban ang lupang nang galing pa sa ama ko,pero wala po kame kakayahang kumuha ng abogado at ilapit ito sa korte,sna po ay matulungan nyo po kame sa lalong mdling panahon dahil nsayang n ang mga hlaman.salamat po sa sasagot at sa inyo pong maitutulong..

  6. Dear Atty Acosta.
    Gusto ko lang po malaman . Nag loan po ako sa Cooperative ng 350k at ang collateral po cheke sa banko at land title ng nanay ko. Una po ang usapan namin ay hindi ipapasok ang cheke kasi nga po for collateral lang naman po at sa personal account number ng inutangan ko na lang ako maghuhulog ng bayad ko. alam din po nung inutangan ko na maintaining balance lang naman ang laman ng cheke. pinagbukas nya po kami ng account sa bangko na may cheque para I collateral. ang utang ko po ay for two years ko babayaran at nag iwan ako ng 12 cheque sa kanya na may amount ng utang ko na huhulugan monthly at may pirma. tutal sabi nya collateral lang naman daw yun in case na hindi ko maihulog sa personal bank account nya.. wala po kaming kasulatan na sa cheque na ibinigay ko eh dun na kakaltasin ang bayad.. kasi po una pa lang sinabi ko na sa kanya na sa kanya na hindi ko dun ihuhulog sa checking account ung bayad. at ok nmana daw sa knya. unang bayaran po, nag bounce check kasi dun ko inihulog sa account nya na gaya ng usapan, pangalawa, bounce check ulit., paano po ang dapat Kong gawin? nagbayad naman po ako. kakasuhan daw po ako kapag naka tatlong talbog ng cheque.

  7. Dear Atty.acosta
    maganda araw po Ako po si Mary grace.. ako ho kasal po sa asawa ko may tatlong anak.. nghiwalay po kami na asawa ko nun Jan.2011 guilty po siya nun Hindi ko po alam kung bakit po siya nagkipahiwalay nun sabi nya po sakin nagsasawa na daw po siya..palagi daw po kami nag a away… nagkipakita po siya nun Nov.2012 Para umamin po siya ng may kabit siya at buntis nga po.. sabi nya babalik daw po siya saamin Para mabuo naminpo ang pamilya namin..kaya po palang palagi po kulang n binibigay nya saamin… Hindi nya po tinupad n usapan po naming n babalik siya n pagkapanganak nun kabit.. nagkaron po ulit n pangalawan anak sa kabit.. nun january 2014 bumalik po siya saamin..tinanggap ko po siya pero sabi nya po Hindi daw po nya babalikan..naging masaya nga po ako dahil buo n kmi ng pamilya hung nga po Hindi na po nagbibigay ng pagastos dahil may travaho nga po ako… ang lahat po pinapadadala nya sa kabit nya Hindi na po kami binigyan sa ngaun baon na po ako sa utang sa at nalaman ko po ng babalikan daw po nya n kabit nya.. Atty..ang Tanga ko po binigyan ko po CIA on second change pero inuulit nya po..pinipilit po ako ng magulang ko ng gumawa po ng kasulatan Atty..Hindi po ako magkareklamo kasi po wala nga po ako pambayad sa pag aaral na anak ko po kulang pa din po…sana tulungan nyo po ako sa problema ko po naging pagbigat na po ako sa magulang ko may kadahilanang na may sakit na din..maraming salamat po more powers godbless po..wait ko po sagot nyo po..salamat po

  8. Dear Atty.acosta
    maganda araw po Ako po si Mary grace.. ako ho kasal po sa asawa ko may tatlong anak.. nghiwalay po kami na asawa ko nun Jan.2011 guilty po siya nun Hindi ko po alam kung bakit po siya nagkipahiwalay nun sabi nya po sakin nagsasawa na daw po siya..palagi daw po kami nag a away… nagkipakita po siya nun Nov.2012 Para umamin po siya ng may kabit siya at buntis nga po.. sabi nya babalik daw po siya saamin Para mabuo naminpo ang pamilya namin..kaya po palang palagi po kulang n binibigay nya saamin… Hindi nya po tinupad n usapan po naming n babalik siya n pagkapanganak nun kabit.. nagkaron po ulit n pangalawan anak sa kabit.. nun january 2014 bumalik po siya saamin..tinanggap ko po siya pero sabi nya po Hindi daw po nya babalikan..naging masaya nga po ako dahil buo n kmi ng pamilya hung nga po Hindi na po nagbibigay ng pagastos dahil may travaho nga po ako… ang lahat po pinapadadala nya sa kabit nya Hindi na po kami binigyan sa ngaun baon na po ako sa utang sa at nalaman ko po ng babalikan daw po nya n kabit nya.. Atty..ang Tanga ko po binigyan ko po CIA on second change pero inuulit nya po..pinipilit po ako ng magulang ko ng gumawa po ng kasulatan Atty..Hindi po ako magkareklamo kasi po wala nga po ako pambayad sa pag aaral na anak ko po kulang pa din po…

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.