Bimby Yap, asiwa sa gf ng kanyang Papa James Yap?

Bimby-YapPINAGKAGULUHAN NGA nu’ng nakaraang Linggo si Bimby Yap na nanood sa laban ni James Yap sa PBA.

Doon nagkita sila ng Italian girlfriend ni James na si Michaela Cazzola kaya pinagkaguluhan sila ng mga tao at ng media na nag-cover sa larong ‘yun.

Pero bakit sa mga litratong naglabasan, parang hindi kumportable si Bimby na katabi si Michaela?

Ewan ko lang, ha? Pero tingin ko talaga parang asiwa si Bimby na makita ang girlfriend ng Papa niya.

Siyempre seloso ang bagets na ‘yun at love na love niya ang Mama niya kaya I’m sure hindi niya masyadong type.

Pero sabi ng mga Startalk reporter namin, ayaw na raw pag-usapan pa ni James ang pagkikita ng dalawa dahil ayaw na niyang gawing isyu pa ito.

Kaya nga ayaw rin niyang isama pa si Michaela sa birthday party ni Bimby dahil ayaw niyang magnakaw eksena pa du’n. Siyempre moment nga naman ‘yun ng anak niya, ‘di ba?

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

One thought on “Bimby Yap, asiwa sa gf ng kanyang Papa James Yap?

Leave a Reply

Your email address will not be published.