Bimby, nami-miss na si Ryzza Mae

Bimby-Aquino-Yap-Ryzza-Mae-DizonNGAYON PA lang, nami-miss na ni Bimby Aquino Yap si Ryzza Mae Dizon, ang kanyang “kalabtim” sa My Little Bossings na Filmfest entry nina Bossing Vic Sotto at Kris Aquino.

Dati-rati kasi, sanay si Bimby na ‘pag may shooting, alam niyang dadatnan niya si Ryzza Mae.

Kaya when we asked Mareng Kris kung paano kung maging blockbuster itong si launching movie ng anak niya, “Depende pa rin sa kanya, pare, kung gusto pa niya. Mukha namang gusto niya, so kung gusto pa ni Bimb, eh ‘di go!”

Kung ang pag-uusapan ay ang pagiging stage mom, aminado naman si Kris.

“Natural lang naman sa nanay na ma-proud sa anak niya. Saka feeling ko talaga, pang-showbiz si Bimby, dahil obviously artista ang mom niya kaya more or less, may idea na siya kung ano ang mundong ginagalawan ko.

“Kaso lang, Ogs, sabi ng mga sisters ko, i-make sure ko lang daw na Bimby goes home from the set by 8pm, dahil ayaw ng DSWD. So, kailangang sumunod. And in fairness, naiintindihan ni Bossing na ‘pag bata, kailangan talagang mauna at kami na lang matatanda ang puwedeng magpuyat sa shoot!”

Mukhang promising ang My Little Bossings, dahil everytime mapapanood ng dalawa naming bulinggit ang trailer ay itinuturo nila ang TV, sabay sabing, “Gusto ko ‘yan, daddy. Nood tayo niyan!”

At sa social media ay puro positive ang nababasa naming reaksiyon sa pag-aartista ni Bimby, kaya sana nga, maging topgrosser sa Filmfest.

Oh My G!
by Ogie Diaz

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.