Bimby Aquino Yap, nahawa na sa pagiging jologs ni Ryzza Mae Dizon

Bimby-Aquino-Yap-Ryza-Mae-DizonPUMASYAL KAMI sa last day of shooting nu’ng Sunday ng My Little Bossings, pero wala sina Kris Aquino at Vic Sotto, dahil late pa ang kanilang calltime, kaya sina Bimby Aquino Yap at Ryzza Mae Dizon ang naabutan namin.

Super close na pala ang dalawang bata, pansin namin. Isang jologs at isang sosyal na bata, pinagsanib-puwersa. Hahaha!

Nakakatuwa ang kuwento ni Direk Marlon Rivera, dahil nu’ng mga first few days daw ay hindi sanay si Bimby na siya’y dinudungisan o dinudumihan. Pero ‘pag pinapaliwanag daw nila sa bata na, “You will just pretend to be dirty, then after this, malinis ka na uli,” ay okay na sa bata.

“Nu’ng unang mga araw ‘yon, ha? Pero nitong last few shooting days na, para na siyang isang ordinaryong bata na sumasalampak na sa semento, sa lupa. Tapos, gusto na niyang nakikipag-usap sa mga tao sa set. Kaya feeling ko, mami-miss ni Bimby itong pagsi-shoot niya.”

Ang “My Little Bossings” ay co-production venture ng M-Zet ni Bossing Vic, ni Kris Aquino at ng TAPE, Inc. na isa sa filmfest entries.

Bimby-Aquino-Yap-Ryza-Mae-Dizon“Alam mo, medyo nakaka-tense ito, ha? Kasi, ‘yung mga nakaraang movie ni Bossing, puro special effects. Dito, wala. Eksenahan lang talaga. Nakadepende sa mga nakakatawang eksena,” kuwento pa ni Direk Marlon.

“Saka I’m very thankful to Kris, dahil siya ang nag-recommend sa akin to do this film. This was first offered to Joyce Bernal. And very supportive din si Direk Tony Reyes. Talagang hinayaan niya ako habang siya’y nagsu-supervise lang.

“And siyempre, me kasamang tensiyon nu’ng ni-recommend ako ni Kris kay Bossing. Mabait si Bossing, go agad. Kaya naman feeling ko, ang taas-taas ng expectations nila sa aking lahat. Kaya ‘eto, ibinubuhos ko na lahat ang powers ko para mapaganda ang pelikulang ito!”

 

NAG-CELEBRATE NAMAN si Arjo Atayde ng kanyang 23rd birthday sa Opus (sa Resorts World) nu’ng Sabado kung saan dinagsa ng mga friends in showbiz ito. Nakita namin sina Sunshine Cruz, Lito Pimentel, ang lalo pang gumuwapong si Christian Vasquez, Ejay Falcon, Ketchup Eusebio, Yam Concepcion (na sinundo pa ni Ejay sa labas) at iba pang college friends.

Nakakatuwa ang anak na ito ni Sylvia Sanchez. Kung mag-asikaso sa bisita, daig pa ang waiter. Sa kakukulit nga niya sa amin kung “Tito Ogie, you like vodka?” eh sinagot na lang namin siya ng, “Meron ba silang modta?”

Na ipinarinig ko kina Lito at Christian. Habang tawanan nang tawanan ang mga kolokoy ay naiwan naman si Arjo na punum-puno ng pagtataka ang mukha, dahil hindi pa rin niya magets ang ibig naming sabihin sa “modta”. Pinaulit-ulit na namin, no reaction pa rin ang face.

Anyway, dumating din ang madir niyang si Sylvia Sanchez na parang hindi sanay sa ingay at puyatan ang lola. Hahaha! Anyway,  ang importante ay meron siyang isang mabait at masunuring anak sa katauhan ni Arjo.

Happy b-day, Arjo! At thank you sa pagrespeto mo sa mga senior star. Obviously, dahil ‘yon ang turo sa kanya ni Ibyang. Irespeto ang lahat ng katrabaho, lalo na ang mga staff and crew.

Oh My G!
by Ogie Diaz

loading...

One thought on “Bimby Aquino Yap, nahawa na sa pagiging jologs ni Ryzza Mae Dizon

  1. siguradong tatabo sa takilya itong pelikula nina ryzza at bimby, pero sana wag na isama dyan si kris panggulo lang at baka magsisigaw pa siya dun na parang ginagawa niya sa mga horror movie niya hahahahaha!

Leave a Reply

Your email address will not be published.