Bimby Aquino Yap, manang-mana sa ina ang kataklesahan

Bimby-Aquino-YapLUMIKHA NG kontrobersiya ang naging pahayag ni Bimby sa bida ng Spiderman 2 na si Andrew Garfield na natulog ang kanyang ina na si Kris Aquino habang pinapanood nila ang nasabing pelikula. Na-interview ni Kris ang foreign actor sa Singapore para sa KrisTV.

Ayon sa reliable source na aming nakausap, nakapagsalita raw si Andrew na pakiramdam niya ay nainsulto siya sa nasabi ni Bimby at si Kris naman daw ay dinaan na lang sa pagtawa ang pagkapahiya. Hindi ito naipalabas sa telebisyon para hindi na raw maging malaking isyu ang nangyari.

Mukhang nakuha naman talaga ni Bimby ang pagiging masyadong tapat ng ina na madalas ay nagiging kataklesahan na ang dating sa ibang tao. Bata pa naman si Bimby at naniniwala kami na maitatama pa ito, hindi kasi maganda ang pagiging taklesa ng isang tao lalo na kung lalaki ang magsasalita kahit pa sabihing sikat ito, guwapo o galing sa isang mayamang pamilya.

Maiba Lang
By MELBA R. LLANERA

loading...

3 thoughts on “Bimby Aquino Yap, manang-mana sa ina ang kataklesahan

  1. wala ka lang maisulat kaya pati walang muwang na bata iniintriga mo na melba? Batugan!

Leave a Reply

Your email address will not be published.