Bilyun-bilyong Piso, Nawawala Manila City Hall, lubog sa utang

BANGKAROTE ANG pamahalaang lungsod ng Maynila makaraang mabuko ng Commission on Audit (COA) nawawalan umano ng bil-yun-bilyong pisong halaga ng pag-aari matapos na hindi mag-tally ang ginawang imbentaryo ng nasabing ahensiya at ang record ng city hall.

Ayon sa ilang Manila City Hall insider, nagparating umano ng ulat si director Roland Rey, ng NCR-Local Government Sector sa tanggapan ni Manila Mayor Alfredo Lim na nagsasaad na hindi alam ng pamunuan ng Manila City Hall kung saan napunta ang mga mahahalagang nitong pag-aari.

Ang Property Plant and Equipment (PPE) ng City of Manila ay kinabibilangan ng mga gusali, mga lupain, mga sasakyan at mga makinarya at iba pang kagamitan na pag-aari ng nasabing lungsod.

Base sa ulat ng COA, napag-alaman na noong 2010 unang nabulgar ang isyu hinggil sa PPE, kung saan ay kaagad namang bumuo si Lim ng isang komite na tinaguriang “Inventory Committee of City of Manila” para malaman ang tunay na halaga ng PPE ng city hall.

Sa isinagawang imbentaryo ng binuong inventory committee, ang lahat ng ari-arian ng lungsod  ay nagkakahalag ng P1.07 bilyong piso.

Kaagad namang isinumite ng inventory committee ng city hall sa COA ang naging resulta ng isinagawang imbentaryo subalit nagulat ang nasabing ahensiya dahil hindi ito nag-tally sa kanilang sariling imbentaryo.

Base sa naging inventory ng COA, lumalabas na ang kabuuang halaga ng pag-aari ng pamahalaang lungsod ng Maynila ay P13.61 bilyon kung kaya’t nabunyag na hindi alam ng pamunuan ng city hall kung nasaan ang iba pa nitong PPE na nagkakahalaga ng P12.54 bilyon

Nakasaad pa sa report ng nasabing ahensiya, maraming opisyal at empleyado ng Manila City Hall ang nakakuha ng mga cash advances mula isang taon hanggang 15 taon na aabot sa P105,934,391.00.

Dahil dito, ang city hall ng Maynila ay lagpas-ulo na ang umano ang pagkakautang dahil mas malaki ang bayarin nito kaysa sa hawak na pera.

Nabatid pa sa ulat, sa pagtatapos ng 2010 ay mayroong  kabuuang cash na hawak ang city hall na nagkakahalaga ng P1.08 bilyong piso at ang naging problema ay may kabuuang bayarin ang city hall na umaabot sa P4.22 bilyon.

Suma total, kailangang makalikom ng halagang P3.14 bilyon ang nasabing pamahalaang lungsod upang mabayaraan ng kanilang pagkakautang.

 (ROMAN MAGPOC)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.