Bilyong Dolyar na Halaga ng Treasury Bills, Narekober SINDIKATONG GUMAGAWA, NABUWAG!

POSITIBO ANG PHILIPPINE National Police – Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) na kanila nang nabuwag ang sindikato na nagbebenta ng pekeng U.S Federal notes matapos maaresto ang pitong miyembro nito sa Pasig City.

Ayon kay CIDG-NCR Intelligence Head, Senior Superintendent Jose Coronel, nakatanggap umano sila ng impormasyon hinggil sa pagbebenta ng grupo ng mga pekeng treasury bills mula sa Federal Reserve Bank of Chicago, Illinios.

Dahil dito, ikinasa ang buy-bust operation sa isang hotel sa Ortigas Avenue, sa naturang lungsod.

Nasakote sa nasabing operasyon ang itinuturong lider ng grupo na si Mariano Abana at ang mga tauhan na sina Ramil Medecillo, Teodoro Tadeo, Noel at Racquel Labandero, Leo Rosilla at Antonio Rubio.

Nakumpiska sa mga ito ang tatlong piraso ng tig-isang bilyong dolyar na halaga ng gold bars certificate.

Hinahalukay na rin ng otoridad ang rekord ng mga inaresto kung ano pang mga iligal na gawain ang kinasasangkutan ng mga ito bukod sa pagbebenta ng pekeng treasury bill. (EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.