Bilyon-bilyong ‘pork barrel scam’, hiniling na siyasatin ng Ombudsman

MARAMI NA ang lumagda sa isang online petition na humihiling na siyasatin ang sinasabing bilyon-bilyong pork barrel scam.

Tinatayang mahigit 9,000 na ang pumirma sa online sa www.change.org.

Mensahe ng petitioner at n mga tagasuporta nito kay Ombudsman Conchita Carpio-Morales, busisiin na ang sinasabing pork barrel scam kung saan napunta umano ang priority development assistance fund (PDAF) ng ilang mga mambabatas sa mga pekeng non-governmental organization.

Sinabi ni whistleblower na si Benhur Luy na pangunahing promotor ng pork barrel scam ang dati niyang amo na si Janet Lim-Napoles na nagkamal ng salapi mula sa dapat sana’y pondo para sa mga magsasaka, pagamutan at iba pa.

Sa kabila nito, iginigiit ng nasabing petisyon na malaki ang responsibilidad ng mga senador at kongresista na siyang pinagkatiwalian ng pera ng taumbayan.

“It was their responsibility to ensure that their PDAF went only to reputable NGOs proposing priority projects and that these projects produced the promised benefits,” sabi sa nabanggit na petisyon.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.