Billy Crawford, walang dahilan para magselos o ma-insecure sa hot love scene nina Coleen Garcia at Piolo Pascual

Coleen Garcia & Billy Crawford & Piolo Pascual

Coleen Garcia & Billy Crawford & Piolo Pascual

Kung ikaw ba naman ang boyfriend ng isang Coleen Garcia, may hahanapin ka pa bang iba?

Ang dalaga, bukod sa sexy, nasa kanya na yata ang mga traits at character na hinahanap ng kahit sinong lalaki.

Kaya suwerte ni Billy Crawford na si Coleen Garcia ang naging girlfriend niya.

Puring-puri ng singer-host ng lunchtime show ng Kapamilya Network na “It’s Showtime” ang girlfriend na nag-organisa ng birthday surprise party para sa boyfriend.

Sa IG account ng binata, sinulat nito: “I just want to thank you Lord for this amazing family! It has been a great birthday organized by my love @coleengarcia. Thank you love for always making my birthday even more special every year! I love you so much.”

Pinagmamalaki talaga ni Billy Crawford ang girlfriend dahil sa pagiging mabait nito at pagiging maasikaso sa kanya.

Mensahe naman ni Coleen sa boyfriend sa kaarawan nito: “Happy birthday to my ever loving and supportive boyfriend, who only seems to be getting younger each year. Praying that you stay driven, hopeful and happy in all the years to come. You are such a great man and I know you will only continue to become greater. I will always be here by your side to support you through everything. Love you, @billyjoecrawford! I will forever be grateful to God for giving me such an amazing partner. I cannot even begin to thank you for all that you are and for all that you inspire me to be!”

Sa katunayan, si Billy, napaka-supportve kay Coleen lalo na sa pag-aartista nito.

Ngayon pa na may pelikula ang girlfriend niya with Piolo Pascual and Dawn Zulueta na “Love Me Tomorrow” from Star Cinema. May mga eksena sina Coleen at Piolo na maaaring ikaselos naman ng boyfriend. Pero dahil kampante ang binata sa girlfriend, sinuportahan niya ito at alam niya na walang dahilan para magselos ito.

Sabi kasi nang nakakita na ng ng mga eksena nina Coleen at Papa P, hot na hot daw ang mga love scene ng dalawa na p’wedeng ika-insecure ni boyfriend na si Billy.

Ang sexy romcom na pelikula ni Coleen ay nasa direksyon ni Gino Santos at ipapalabas na sa darating na Wednesday, May 25.

Reyted K
By RK VillaCorta

loading...

2 thoughts on “Billy Crawford, walang dahilan para magselos o ma-insecure sa hot love scene nina Coleen Garcia at Piolo Pascual

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.