Billy Crawford, tanggap ang team-up nina Nikki Gil at Coco Martin

GUSTUHIN MAN NI Nikki Gil, hindi uubra sa kanya ang mag-pose nang sexy sa FHM, o sa iba pang sexy mags. Ayon kay Nikki, nakapag-pose na siya nang naka-swimsuit para sa isang legitimate fashion mag, at matino naman kasi ang context nito. Hindi sa dina-down niya ang idea ng pagpapa-sexy sa pictorials, pero nilinaw ni Nikki na hindi siya ang tipong babagayan ng ganitong image.

Lalo pa itong lumabo nang tanungin namin mismo ang boyfriend niyang si Billy Crawford, kung okey rito ang pagpapa-sexy sa ganoong pictorials. Diretsahang humindi si Billy. Pumasok ang ganitong idea dahil mukhang seryoso sa pagpapaka-aktres si Nikki. Maganda ang feedback sa performance niya as the obsessive woman sa buhay ng character na ginampanan ni Coco Martin sa Nagsimula sa Puso.

Kung si Billy ang tatanungin, walang problema sa kanya kung magkaroon man ng kissing scenes si Nikki sa sinumang leading man nito.

Pero, inamin ni Billy na malaking bagay ‘yung ang imahe ng artista ay respetado, gaya nga ni Coco, na bagamat naghubad na rin sa pelikula ay totoong kinikilalang aktor.

Nire-recognize naman ni Billy ito, at sa tuwing nagkikita sila ni Coco, magaan ang loob niya rito, at walang anumang problema kung ito ang makapareha ng girlfriend niya.

Sina Coco at Nikki ang magkakapareha sa Tonyong Bayawak, bahagi ng seryeng Agimat sa ABS-CBN. Nangangahulugan lang na marami ang nagkagusto sa kumbinasyon nila sa Nagsimula sa Puso, at tanggap ni Billy ang ganitong katotohanan.

Guest si Nikki sa “Groovin’ Love” concert na magtatampok kina Billy at JayR, gaganapin sa SMX Convention Center sa SM Mall of Asia, on February 14. Pagkatapos ng palabas, pipilitin nina Nikki at Billy na humabol pa sa Valentine’s Day para magkaroon ng time together. Kung may bukas pa raw na restaurant, gagawa sila ng paraan para magkaroon ng romantic dinner over candlelight sa mismong araw na ‘yun.

KUMAKAIN NAMAN NG oras ni Billy Crawford ang Pilipinas Got Talent. Noong Linggo, madaling-araw pa lang ay nasa airport na sila ng Cagayan de Oro City para bumalik ng Maynila para humabol sa ASAP XV. Friday ay nagte-taping na raw sila sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas para rito.

Malaking bagay raw na si Luis Manzano ang co-host niya rito. Mas magaan ang trabaho kumbaga dahil gamay na nila ang isa’t isa, magkasama pa sila sa grupong Kanto Boyz sa ASAP XV. May pagkakataon daw na tawanan lang sila nang tawanan. Hindi raw maiiwasan ito.

May isang portion na nai-tape nila na halos puro tawanan daw sila. Mga thirty minutes na nahinto ang taping dahil sa pangyayaring ‘yun.

Mapapanood daw ‘yun sa Pilipinas Got Talent na magpe-premiere sa February 14. Incidentally, sina Billy at Luis ay magkakasama pa pala sa isang pelikula. Gagawa ng Kanto Boyz movie ang Star Cinema this year.

Nakaplano na ‘yun, at buo ang barkada kung saan ka-join din sina John Lloyd Cruz at Vhong Navarro.

Calm Ever
Archie de Calma

loading...

6 thoughts on “Billy Crawford, tanggap ang team-up nina Nikki Gil at Coco Martin

  1. Kung nagseselos man si Billy, mas mabuti na yun ok! Nararapat lng naman na lagi syang nakabantay kay Nikki.Ang honey ni Billy Joe ay lapitin ng mga guys kaya lagi dapat syang nakasunod dito.Nikki, huwag ka masyadong maglalapit sa ibang guys dyan, baka magselos pa ang iyong honeybear. He is doing his best to protect you. Same as w/ us fans…nagseselos din kaya kami kapag may iba kang kapartner kahit show lng yan, tlgang nakakaselos. Ang pinakamabuti ay makita namin kayo na palaging kapartner ang isa’t-isa, kahit anong larangan pa yan. 

  2. 3000,2000,1000 ang tiket?!!! ang mahal ano ang akala nila kasing sikat sila ni beyonce?…dyos ko day!!!…kung sila lang dapat dyan tig 300 lang eh pang barangay lang talent nito

  3. NIKKI & BILLY
    VALENTINE CONCERT “GROOVIN LOVE”
    Feb 14 2010 8 pm @ SMX convention center halls 3 & 4
    For tickets call ALV office at 6377016

    tickets are 3000,2000,1000

    w/ kyla and jayr..

Leave a Reply

Your email address will not be published.