Billy Crawford, sinagot ang ‘bakla issue’

NAGING CONTROVERSIAL ang naging pahayag ni Billy Crawford na naliligaw siya at hinahanap ang sarili nang aminin niyang naghiwalay na sila ni Nikki Gil.

Naging controversial ang statement dahil nagkaroon tuloy ng pagdududa ang ilan lalo na roon sa mga walang magawa sa Twitter na kaagad na pinaratangan na isang bakla si Billy.

Kaya naman may isang reporter na naglakas ng loob na tanungin si Billy kung ano ang reaction niya sa usap-usapan na may kaugnayan sa kanyang break-up na diumano ay bading siya?

Hindi naman nagalit at sa halip ay nakangiti pa nitong sinagot ang tanong na parang kaswal lang na: “Mukha ba akong bakla?”

Sa kasalukuyan ay nakaalis na nang bansa si Billy papuntang Tate para makapiling ang kanyang pamilya at hanapin tuloy ang naliligaw na sarili.

Hindi masagot ni Billy kung hanggang kailan siya mananatili sa Tate. Pero sana sa pagbabalik niya ay nahanap na niya ang kanyang sarili.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

loading...

One thought on “Billy Crawford, sinagot ang ‘bakla issue’

Leave a Reply

Your email address will not be published.