Billy Crawford, pinagbabawalan si Nikki Gil na lumabas sa men’s mag!

SUPER IN-LOVE SINA Nikki Gil at Kyla sa kani-kanilang boyfriends na sina Billy Crawford at basketbolistang si Rich Alvarez, respectively.

Nang tanungin si Nikki kung pumayag na ba siyang lumabas bilang cover ng isang men’s magazine (sa presscon ng “Groovin’Love” Valentine’s concert nila ni Billy at JayR plus Kyla sa Feb. 14 sa SMX Convention Center , hinintay niyang si Billy ang sumagot.

“Hindi puwede,” mabilis na sagot ng katabi niya. Yes po, hindi lang magkatabi sina NikkI at Billy habang ini-interview, kundi naghihintayan pa ng sagot. As in kung ano ang sasabihin ni Billy, taas-kamay na susundin ni Nikki. May kabuntot pang: “Tama naman siya, ‘di po ba? Hindi naman talaga bagay sa akin ang ganu’ng image.” Na kinontra ng inyong lingkod dahil, hindi lamang seksing-seksi ang katawan niya at pouting lips lalo, kundi mula ulo hanggang paa ang kagandahan.

Inamin din ni NikkI na selosa siya. “Siya rin kasi, sobra ring seloso. Kaya, pareho na lang kami,” sabay-turo kay Billy. Kahit sa ASAP, kung saan pareho silang mainstay, hindi rin nila itinatago ang kanilang relasyon. Malingat lang si Nikki, nakasunod na agad si Billy. At dumampi lang ang mga kamay ni binata sa isang kapwa artista, aagawin na agad ng dalaga. “Akin siya!” May lambing niyang wika.

Actually, higit ang shower of affection ni Billy sa selosang GF kapag nasa ibang bansa siya at rumaraket. “Naku, sunog na sunog talaga ang linya ng telepono. Pareho pa kaming madaldal. Magastos. Pagdating niya, uulitin niya ang mga kuwento at iyon at iyon din ang sasabihin niya. I don’t get tired naman of listening to him.”

Kaabang-abang tuloy ang concert nila, dahil kahit sa entablado tiyak na mag-iinit ang paligid. They will only have eyes for each other, I bet you.

Hindi nagpapahuli si Kyla. Nang biruin siya ni JayR na break na daw sila ng dyowang si Rich, ang bilis sumagot ng dalagang singer: “Naku, hindi po. Luku-luko ‘yang si Jay-R. Never po kaming nag-break. Wala ngang nakahahalata kapag may LQ kami. Para kasing wala rin. Basta, tahimik lang kami, pero sweet pa rin sa isa’t isa. Tinitiyak kong naroon si Rich sa concert ko. Nasa front row siya at ‘wag na ‘wag niyang kalilimutan ang bouquet of flowers ko. Kundi, lagot siya.” She denied though na malapit na silang magpakasal. Hindi naman problema ang titirhan nila, dahil may sariling bahay na raw ang dyowa niya.

Hindi rin naman magpapahuli si JayR na dyowa rin pala ang ex ni Polo Ravales na si Krissa Mae Arrieta. To the rescue agad si JayR nang banggitin ng inyong lingkod ang pangalan ni Polo. “Matagal na po silang wala. More than one (1) year na po kami and we’re happy. At yes po, darating siya sa mismong concert namin. Hindi lang siya p’wedeng mag-guest, dahil candidate po siya sa Bb. Pilipinas at araw-araw silang may activities. Hindi siya available sa rehearsals,” aniya.

Bongga ang na ito dahil pare-parehong pang-international ang kalidad ng mga major performers. International Pop RnB Sensation si Billy, samantalang si JayR ay tinatawag namang Prince of RnB, remember?

BULL Chit!
by Chit Ramos

7 thoughts on “Billy Crawford, pinagbabawalan si Nikki Gil na lumabas sa men’s mag!

  1. Kung talagang pinagbabawalan nya..DAPAT LANG!  
    Mabuti na yun nuh..to retain din naman her wholesome image.

  2. Very compatible tlga kayo sa isa’t-isa.
    Honeybear & Honeydoll….i super uber love you <333
    More years to come for the both of you. Always love & give each other a care that is endless.
    Best wishes! :*

  3. NIKKI & BILLY
    VALENTINE CONCERT “GROOVIN LOVE”
    Feb 14 2010 8 pm @ SMX convention center halls 3 & 4
    For tickets call ALV office at 6377016

    tickets are 3000,2000,1000

    w/ kyla and jayr..