Billy Crawford, kinalimutan na ang lahat ng isyu sa break-up nila ni Nikki Gil

ANAK NI Maricel Soriano ang role ni Billy Crawford sa lastest offering ng Star Cinema na Momzillas na idinirehe ni Wenn Deramas. Sa story, love interest niya si Andi Eigenman na anak naman ni Eugene Domingo.

Naging close daw si Billy kay Marya sa panahong sinu-shoot nila ang nasabing movie. Hindi umano nauubusan ng kuwento ang actor-TV host kapag nagkakausap sila ng Diamond Star.

Pero ‘yong tungkol sa kung bakit nga ba sila nag-break ni Nikki Gil, hindi raw naging topic ng kuwentuhan nila. Pagdating daw sa personal na mga bagay, mas gusto raw ni Billy na sarilinin na lang ito.

“Kami ni Mama (tawag ni Billy kay Marya), on and off set, lahat yata pinag-uusapan namin,” aniya. “And actually, kinakausap ko siya hanggang alas-kuwatro ng umaga kasi pareho kaming hindi makatulog.

“And I think for that aspect, hindi ako nag-elaborate kung anong nangyari o whatever. ‘Coz that’s a personal decision for my life. At hindi na niya ako tinanong. Iyon ang sobrang inirespeto ko even more sa lahat ng mga kasama ko rito. Dahil they really treated my like their family. For the time that we were working with each other. On and off cam. I mean kahit no’ng hindi na kami nagtatrabaho, nag-uusap-usap pa rin kami. So kahit anong mangyari, I’m here for them. And I know that they’re here for me also.”

Si Andi ang ipinang-iintrigang dahilan diumano ng break-up nina Billy at Nikki. Nagkaroon daw ng something sa kanilang dalawa sa panahong sinu-shoot nila ang Momzillas?

“Nakahihiya lang sa mga kasamahan ko. Kasi when all the news came out… naging bading ako, naging addict ako, na-link ako sa tatlong babae. Na isa buntis daw! Sabi. Ang masasabi ko lang, people have already made their decisions. Whatever o whoever they are. And then speculate kahit anong mangyari. Kasi ang buhay namin, talagang open book lahat ang buhay namin.

“You know, Andi became a friend of mine through the film as well. We became close, that’s really true. And, uhm… it wasn’t Andi’s fault. Kaya ako, I already apologized na nadadamay siya sa personal ano ko. And that’s bilang respeto ko rin naman sa lahat ng mga kasamahan ko dito.

“I don’t mean harm from anyone or for anyone. Pero sa totoo lang, kaya ayokong masyadong magsalita, kasi they already made up their mind. And hahaba at hahaba pa, eh.

“So I’ve already closed the chapter. I’ve close the book. And I’m ready to move on,” panghuling nasabi ni Billy.

 

FIRST TIME pa lang magsama nila ni Maricel Soriano sa pelikula pero agad-agad ay maganda raw ang naging chemistry nila.

“With Maricel, napakaganda ng blending,” sabi nga ni Uge. “Tinginan pa lang, o galaw ng katawan. So, Direk Wenn gave as the freedom to be spontaneous. And every now and then, Maricel and I… we surprise each other. Sometimes, nahuhuli nga kami ng reaction. Na action na… narinig mo? Eh, bakit pa tayo nagtatawanan?

“Kasi pinagtatawanan namin ‘yong aming gagawin sana. Pagkatapos, sasabihin ni Direk… o, pack-up na! Haaa? Pack-up na? Gano’n lang? Pack-up na?” tumatawa ulit na kuwento niya.

Hindi nga raw nila namalayan ang pagtakbo ng kanilang shooting days. Na sa bandang dulo, nagulat na lang daw sila na tapos na pala nilang gawin ang pelikula.

“Sa sobrang saya namin sa set. At sa araw-araw na shooting namin, ang bungad lagi niya sa akin… hindi mo ba ako na-miss? Gano’n siya. Para kaming… magkaklase sa eskuwelahan.”

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

loading...

3 thoughts on “Billy Crawford, kinalimutan na ang lahat ng isyu sa break-up nila ni Nikki Gil

  1. Hindi naman komo nagbago na ang feelings ng isang lalake sa kanyang GF or vice versa means psychologically immature. In fact, matured enough nga to realize that he/she has lost his/her feelings with their relationship. Talagang ganuon, me falling out. Kung mag-asawa nga despite the number of years and having kids, me falling out. It happens in any relationship.

  2. KUNG WALA VALID REASON ANG BREAK-UP NYA NI NIKKI, THERE MUST BE SOMETHING WRONG PSYCHOLOGICALLY WITH BILLY. IMMATURE MAYBE CAUSE HE CANNOT SUSTAIN RELATIONSHIPS. HOW PATHETIC. GIRLS BEWARE CAUSE HE WILL NOT BE GOOD ENOUGH TO ANY GIRL. GIRLS THERE MUST BE SOMEBODY MORE DESERVING THAT THIS PSYCHOLOGICALLY IMBALANCE BOY.

Leave a Reply

Your email address will not be published.