Billy Crawford, Kean Cipriano, Eric Quizon, at Martin Escudero, panalo ang kabadingang sa bagong pelikula

Cast Of "That Thing Called Tanga Na"/

Cast Of “That Thing Called Tanga Na”/

Mukhang makadya-jackpot ang Regal Entertainment sa bago nilang pelikula, ang comedy hugot movie na “That Thing Called Tanga Na”, mula sa  direksiyon ni Joel Lamangan at pinagbibidahan nina  Eric Quizon, Billy Crawford, Kean Cipriano, Martin Escudero, at Angeline Quinto. Kasama rin sina Albie Casiño, Nikki Valdez, Jerald Napoles, Vangie Labalan, Ken Alfonso, Luke Conde, Paolo Gumabao, Shine Kuk, at Lawrence Yap.
Trailer pa lang ng said movie ay marami na ang naaliw at natatawa sa mga eksenang kabaklaan nina Billy, Eric, at Kian na natural na natural ang pagkakaganap, at kung ‘di mo nga raw kilala ang mga ito ay mapaniniwala ka na certified bading sila. Panalo rin dito ang kakikayan ni Angeline.

Kaya naman paniguradong sure hit na naman ito mula sa Regal Entertainment at for sure, suportado ito ng LGBT sa buong Pilipinas sa pagpapalabas sa Agosto 10, 2016 sa lahat ng sinehan nationwide.

 

Winners Of Mr. World 2016

Winners Of Mr. World 2016

Image model ng New Plancenta for Men, 1st Runner-Up sa Mr. World 2016

Wagi bilang 1st Runner-Up ang kinatawan ng Puerto Rico at Image model ng New Placenta For Men na si Fernando Alvarez sa katatapos na Mr. World 2016 na ginanap sa England, kung saan naging host si Mis World 2013 Megan Young.
Samantalang ang pambato ng India na si Roht Khandelwal ang itinanghal na Mr. World 2016 at kauna – unahang Indian na nanalo sa Mr World; 2nd Runner-Up naman ang Mr. Mexico na si Aldo Esparaza.
Hindi naman nag wagi ang pambato ng Pilipinas na si Sam Adjani, pero tagumpay na rin daw ng Pilipinas ang pagwawagi ni Fernando, lalo na’t kahit Puerto Rican ito ay may pusong Pinoy ito at itinuturing niyang second home ang Pilipinas.

John’s Point
by John Fontanilla

Related Post

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.