Billy Crawford, itinanggi ang planong pagpapakasal kay Nikki Gil!

IKINAGULAT NI Billy Crawford ang lumabas na balitang plano na nilang magpakasal ng girlfriend na si Nikki Gil. Diumano ay next year ito magaganap. Pero nang makausap namin si Billy, pinagdiinan nito na walang katotohanan na balak na nilang magpa-kasal.

Sa isang interview kasi kay Nikki, nagpahayag ito na may plano na silang magpakasal at pinag-uusapan na raw nila ito ni Billy. Hindi naman ito kinontra ni Billy, pero wala pa raw silang itinatakdang taon o araw sa planong pagpapakasal.

Matagal pa raw siguro ang pagpapakasal dahil marami pa silang balak sa buhay at ini-enjoy pa nila ang kani-kanilang showbiz career. Paglilinaw rin ni Billy na wala silang joint account ni Nikki. Siya raw ay may sariling acccout sa bangko at ganoon din si Nikki.

Samantala, inamin ni Billy na wala raw siya talagang idea kung ano ang mangyayari sa ire-release niyang album at pagpo-promote nito sa pagbabalik niya sa France.

Sa dami raw ng mga mahuhusay at bagets na artist ngayon sa France, wala siyang idea sa kalalabasan ng ginawang album abroad.

Ang panlaban lang daw niya sa mga ito ay ang naipundar na pangalan sa Europe at ang mga fans niya doon na nakakikilala pa rin sa kanya.

Kung sakali raw na hindi na siyang tanggapin doon, ang next plan niya ay makipag-collaborate sa mga artist bilang record producer.

 

NAPASYAL KAMI last Saturday sa SM San Lazaro para manood ng sine at laking gulat namin na kahit dalawang sinehan na ang pinaglalabasan ng It Takes A Man And A Woman movie nina John Lloyd Cruz at Sarah Geronimo ay sobrang haba ng pila. Nilampaso ng kanilang movie ang nakasabay na foreign movie na pinagbibidahan ng sikat na foreign action stars.

Anyway, talagang walang umaalis sa kanilang mga pila kesehodang maghintay sila ng second screening mapanood lang and movie nina John Lloyd at Sarah.

Ask namin ang ilan sa mga nakapila para alamin kung anong sikreto ang nakita nila kaya laging blockbuster ang pelikulang gawin ni John Lloyd?

Nagkakaisa ang mga nakausap namin sa pahayag na kaya raw laging blockbuster ang movie ng actor ay dahil ‘di ito nakasasawang panoorin, at lagi silang nasasabik makita ang actor dahil ‘di ito madalas mapanood sa telebisyon.

‘Di raw tulad ng ibang artista na madalas mapanood na nila sa TV kaya nagsasawa na raw sila. Bukod pa raw na ‘yun din ang makikita nilang gagawing acting ng mga artistang madalas mapanood nila sa TV.

Isa pa ay super galing daw talagang umarte ni John Lloyd, bukod pa sa super guwapo ang actor. Kahit na ano raw pelikulang gawin ni John Lloyd ay siguradong kikita at magiging blockbuster sa takilya.

Ask tuloy namin ang mga ito, kung mga tagahanga lang sila ni John Lloyd Cruz kaya ganoon na lang ang pagmamalaki at pagmamahal sa actor?

“Hindi!” matigas na sigaw ng mga ito. Magaling lang daw talaga ang actor at hindi nakakasawang panoorin.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

loading...

2 thoughts on “Billy Crawford, itinanggi ang planong pagpapakasal kay Nikki Gil!

Leave a Reply

Your email address will not be published.