Billy Crawford, itinanggi ang ‘happy moments’ nila ni Zara Lopez!

MEDYO MATAGAL-TAGAL NA rin ang isyung umiikot noon na isang Viva Hotbabes member daw ang nagki-claim na may naging ugnayan daw sila ni Billy Crawford.

Ang sinasabing Viva Hotbabe ay si Zara Lopez na nagsabi noon sa isa naming panayam na nagkaroon daw sila ng happy moments together ni Billy. Pero hanggang doon na lang ang balita at hindi na lumaki dahil para namang walang naniwala kay Zara.

Hindi kami nagkakaroon ng pagkakataong malinaw ito sa binata dahil taga-ibang network siya at bibihirang magkaroon ng events na free for all, na open sa lahat ng mga TV stations, until last Monday sa presscon ng MSE (Marikina Shoe Exchange) sa may Eastwood Richmonde Hotel.

Ang sagot lang ni Billy sa aming katanungan, “Lumang-luma na ‘yan, walang katotohanan ‘yang intrigang ‘yan. Naipakilala sa akin ‘yan one time sa isang event, pero hanggang doon na lamang ‘yun.”

So there, at least nalinawan na rin ang isyung ito kahit medyo passé na. Hahaha!

 

SA PRESSCON PA rin ng MSE, nakorner namin si Carla Abellana. Una namin siyang tinanong kung kaya na ba niyang mag-cover sa mga men’s magazine, kasi nagpaka-daring na rin naman siya sa pelikula. Pero ayon sa kanya, hindi pa raw ito pumasok sa isip niya dahil parang hindi niya pa talaga kaya.

“Hindi ko kayang gawin ‘yun. It takes a lot of courage and confidence para makapag-ano ka nang gano’n. Ayoko talaga, kasi nga I said many times na ‘pag nag-cover ka sa isang men’s magazine, pangalan mo ang nakalagay d’yan. Unlike sa ‘My Neighbor’s Wife’, I play Jasmine, siyempre in character ako du’n, ayoko na maging ganon ang image ko, hindi ‘yun ang plano ko.”

Marami pang mga napag-usapan sa nasabing interview, including sa mga natutunan niya sa away nila ng beteranong kolumnista na si Mario Bautista. Aniya, “Na ‘wag na lang magsalita, nasabi ko na ‘yun na hindi na lang ako magsasalita ke good ‘yan o bad ‘yan tahimik na lang, sa puso ko na lang o sa isip ko na lang o ibabato ko na lang kay God. Kung ano man ‘yung nararamdaman ko o naiisip ko. ‘Yun nga sabi ko si God na lang ang bahala du’n. I know that my fans are smart enough, my friends and my family are mature, so hangga’t sa kilala nila ako, wala akong problema. Kahit may mga article akong lumalabas na hindi maganda or hindi totoo, ok lang. As long as I know what’s true in my friends, my family and fans who support also walang problema. Si God na lang ang bahala sa kanila.”

Abangan sa Paparazzi sa Sunday, 1:30 ng hapon ang buong panayam kay Carla Abellana. ‘Yun na!

 

COVERBOY NG COSMOMEN September 2011 issue si Phil Younghusband. Siya ang babandera sa 69 beyond-hot Bachelors ng Cosmopolitan centerfolds 2011. Kasama rin sa mga nasa top ten centerfolds sina James Younghusband, Anton del Rosario at Aly Borromeo. Kasama naman sa 69 bachelors ang isa pang member nitong si Neil Etheridge.

Nakakaloka, dino-minate nila ang tagisan nang mga lalaking katakam-takam sa taong ito, huh! Ang tanong na lang, magpapakita kaya silang lahat sa Bachelor’s Bash, ang araw na rarampa ang lahat ng featured artists, models and athletes upang mapasaya ang mga manonood sa ipapakita nilang kakisigan at kagandahan ng hubog ng mga katawan? Abangan!

 

Twitter: @arnielcserato; Facebook: heavenscents2002@yahoo.com; E-mail your blind items and hottest showbiz scoops sa arnielcserato@gmail.com.
Sure na ‘to
By Arniel Serato

loading...

4 thoughts on “Billy Crawford, itinanggi ang ‘happy moments’ nila ni Zara Lopez!

  1. Pingback: Billy Crawford, itinanggi ang ‘happy moments’ nila ni Zara Lopez! - ShowbizNews.ph

Leave a Reply

Your email address will not be published.