Billy Crawford, confused!

BREAK NA sina Billy Crawford at girlfriend niya for almost five years na si Nikki Gil.

Sa The Buzz last Sunday, nag-e-emote si Billy telling the televiewers na hindi si Nikki ang dapat sisihin.

Imbis na naging malinaw ang dahilan ng split-up (no third party, hindi naman siya na-fall out of love at kung anik-anik); pati si Kuya Boy Abunda, nahilo at naligaw sa gustong itawid ni Billy.

First and last time na raw niyang magsasalita. Sa pagkakaintind ko sa pag-e-emote niya, gusto niyang hanapin ang sarili kaya nakipaghiwalay siya kay Nikki.

Unfair sa dalaga. After almost five years iiwanan mo sa ere?

Tuloy iniisip ng karamihan na nalito, baka nga may hinahanap siyang iba. Hindi si Nikki kundi lalaki na naging tapulan ng biruan ng mga bekis.

Sa pagkakaalam ko, firm ang stand ni Nikki to remain a “virgin” hangga’t ikakasal sila ng lalaking pinakamamahal niya. Pero si Billy na very liberated, hindi ko alam kung nakapagtiis sa “terms” ng girlfriend.

Tuloy suhestyon ng isang kakilala na nakapanood sa ikinilos ni Billy sa harap ng kamera (paghawak ng microphone, pagbuntong hininga at ang panaka-nakang pagpahid sa kanyang luha); he needs a professional advise.

Sa pagkakataong ito, kailangan niya ng tulong ni Dra. Margie Holmes, hindi kaya?

Reyted K
By RK VillaCorta

loading...

2 thoughts on “Billy Crawford, confused!

Leave a Reply

Your email address will not be published.