Billy Crawford & Coleen Garcia: It’s More Fun In Your Arms!

Billy-Crawford-Coleen-GarciaBILLY CRAWFORD
Real Name: Billy Joe Crawford
Birthdate: May 16, 1982
Zodiac Sign: Taurus
Symbol: The Bull

Ruling Planet: Venus

Quality: Fixed

Element: Earth

Basic Trait: I Have

Closest Metal: Copper

Lucky Day: Friday
COLEEN GARCIA
Real Name: Danielle Claudine Ortega Garcia

Birthdate: September 24, 1992

Zodiac Sign: Libra

Symbol: The Balance

Ruling Planet: Venus

Quality: Cardinal

Element: Air

Basic Trait: I Balance

Closest Metal: Copper

Lucky Day: Friday

 
WHOOPS KIRRI Whoops Kirri Whoops, I think I Love You…
‘Yan marahil ang litanyang kinakanta araw-araw ng It’s Showtime hosts na sina Billy Crawford at Coleen Garcia sa isa’t isa. Ilang beses nang naispatang sweet na sweet ang dalawa sa mga events dito man sa ‘Pinas o sa abroad. Ang latest nga ay magkasama diumano ang dalawa sa New York nang salubungin ang New Year. Taray lang, ‘di ba? Let’s celebrate and welcome the year 2014 together ang peg!
Alam naman nating lahat na kinalasan na ni Nikki Gil si Billy at mega emote pa ang hitad nang magpa-interview tungkol sa kanilang masalimuot na relasyon. At dahil madalas maispatan na very comfy in each other’s arms, mukhang no need for verbal confirmation ang relasyong Billy at Coleen.
Ito nga ba ay isang love affair na dapat ipagpatuloy at ipaglaban? Tanungin natin ang bolang Kristal na madalas din mag-showtime! Hahaha!
Sa totoo lang, napaka-kalmado ng pagsasamang ito. Hangga’t maaaari, gusto ng Taurus at Libra na umiwas sa magulo at napaka-chaotic na environment. Pareho nilang gusto na steady lang ang buhay. Pero it doesn’t mean na walang challenges ito, ha? Ang likas na pagiging party girl ng Libra ay maaaaring ikairita ng Taurus na mas trip mag-chill lang sa bahay at piling tao lang ang nakapalibot dito.
Kilala ang Taurus sa pagiging matigas ng ulo, at maaaari itong pag-ugatan ng diskusyon. Konting tiyaga lang, at madaling mama-manipulate ng Libran ang Taurus basta bigyan niya ito ng karampatang atensyon at romansa. Pareho silang romantic at mahilig sa mga magagarang bagay. Kailangan lang nilang ilabas ang kanilang positive sides para lalong bumongga ang kanilang samahan.
Sa umpisa ng relasyon ay tila ‘you and me against the world’ ang peg ng pagsasamang ito. Parang chill lang kasi. Pero hindi dapat makampante dahil eventually, lalabas din ang differences nila. Nasa couple na kung gogorabels lang sila sa agos ng pag-ibig, o magpapalunod na lang para sa wala.
Whoops, Whoops! Fifty-fifty ang tsansa ng Billy-Coleen romance. Sabi nga nila, habang may showtime, may pag-asa! Huwag mag-deny, don’t tell a lie – Aminin! Push n’yo ‘yan!

Pares-Pares

By Madam Damin

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.