Billy Crawford, binago ni Nikki Gil!

NAKATUTUWANG PANOORIN SINA Billy Crawford at Nikki Gil when they are together. Their eyes speak of happiness and love for each other. The young couple is truly in love! In the eyes of Crawford, Nikki is the only one. At ganoon din naman si Crawford sa mata ni Nikki.

Billy and Nikki make a lovely pair. Just watch them in their toothpaste commercial and see their perfect chemistry. Parang kailan lang when they admitted their relationship at ngayon ay two years na pala silang mag-on. The couple met when they hosted Pinoy Dream Academy Season 2. Kasabay ng kanilang magandang showbiz career ay ang lalo nilang gumagandang pagtitinginan sa isa’t isa. Time flies really fast at baka sa susunod ay kasal na ang ating pag-uusapan tungkol sa dalawa.

Sino ba naman ang hindi mai-in love sa iyong boyfriend kapag ipinagyayabang ka nito? Gaya na lamang nitong si Crawford when he was asked on how to make a relationship work. Ayon sa Abs-cbn.com ay buong pagmamalaki niyang sinagot, “Sa mga lalaki, maghanap kayo ng Nikki Gil. She is very understanding, very amazing. I think araw-araw you just fall more deeply in love with the person.”

Aminado si Crawford that he was once a playboy but he changed after they became a couple. Ganoon naman kasi kapag mahal mo ang isang tao. Kaya mong magbago alang-alang sa taong mahal mo. Hindi naman daw naging isyu sa kanilang dalawa ang nakaraan ni Crawford. “Hindi naman siya makikipag-relasyon sa akin at sasabihin niya, ‘Hoy itigil mo na ang pagiging playboy mo!’ Di naman siya selfish. I just learned to fall in love with her and be with her.”

Paano kung may umaali-aligid na girls sa kanya? “Just resist it, just put it aside. Wala na, ‘yun lang.”

I still remember Crawford when he guested on The Buzz last year and sang How Sweet It Is (To Be Loved by You) for Nikki during the interview. Indeed, napakatamis mabuhay sa mundo kapag mahal ka ng taong minamahal mo. Just like Crawford and Nikki.

Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy
by Boy Abunda

Related Post

loading...

4 thoughts on “Billy Crawford, binago ni Nikki Gil!

  1. We want to see MORE of Billy and Nikki
    MOVIES, CONCERT, TV SHOWS, ASAP Prods
    WE WANT MORE!!!! WE WANT MORE!!!!

  2. The best ang NILLY loveteam. Hindi naghihiwalay. Bagay na bagay pa! :)

  3. people of the philippines and around the world pls. watch oplan zero tambay hosted by hard hitting broadcaster raffy tulfo panoorin nyo po sana para sa mga tambay na walang trabaho at binibigyan ng pagasa para magkatrabaho magandang programa po ito suportahan natin once again pls watch oplan zero tambay tv5 10 30 start of program every sunday pls watch it tnx.

Leave a Reply

Your email address will not be published.