Billy Crawford, bastos sa mga bakla! – Cristy Fermin

TATLONG MAGKAKAHIWALAY NA tawag mula sa mga kaibigan naming katawang-lalaki pero pusong-babae ang tinanggap namin nu’ng Linggo nang hapon. Galit sila, naglalabas sila ng saloobin, ang kanilang target—si Billy Crawford.

Hindi nila nagustuhan ang ginawang pagbabakla-baklaan ni Billy sa opening pa lang ng ASAP ’09, naulit pa ‘yun sa kalagitnaan ng programa habang iniinterbyu ang mga hunk actors ng Katorse, ang ipinakikita noon ay ang magazine na naglalaman ng mga sexy pictorial ng mga macho at nagguguwapuhang aktor ng Dos at ng Siyete.

Inagaw ni Billy ang kopya ng Cosmo, saka nagbakla-baklaan na naman, hindi ‘yun nakalusot sa matutulis na mata ng mga kaibigan naming oo nga’t pusong-babae ay hindi naman pabigat sa lipunan.

Sabi ng isang kaibigan naming tumawag pa mula sa Tacloban, Leyte, “Napakabastos ni Billy, ang akala niya, e, nakakatuwa siya, pero maraming gay ang na-offend sa ginawa niya sa ASAP.

“Sa opening pa lang, nagbakla-baklaan na siya, lumuhod pa siya saka ginaya ang kilos ng mga bading. Nu’ng iniinterbyu naman sina EJ Falcon at Erich at isa pa nilang kasama sa Katorse, inagaw niya ang Cosmo Mag, saka parang tulo-laway niyang tiningnan ang mga sexy photos ng mga hunks du’n.

“Ganu’n kababa ang tingin ni Billy sa mga bading, parang gusto niyang palabasin na kapag nakakakita ng magazine na puro sexy men ang nandu’n, e, halos hindi na mapakali ang mga bading.

“Bastos ang lalaking ‘yun! Akala niya naman, e, sikat na sikat na siya, samantalang one of those lang naman siya sa show,” matalim na pahayag ng aming kaibigan.

Halos ganu’n din ang naging reaksiyon ng isa pa naming kaibigang tumawag mula sa Parañaque, inis na inis ito kay Billy Crawford, mas personal ang naging pagpuna nito sa singer-TV host.

“Hindi ko na talaga siya gusto kahit nu’ng kararating pa lang niya. Naunahan kasi siya ng issue ng kawalan ng utang na loob dahil kay German Moreno. Alam mo naman tayong mga Pinoy, mortal sin ang kawalan ng gratitude, kaya kahit noon pa, hindi ko na siya type.

“Tapos, kung magsayaw siya, para siyang bakulaw sa kalakihan. Hindi ko kasi gusto ang malalaking lalaking nagsasayaw, parang wala silang grace, parang nagwawala lang sila sa stage.

“Iba pa ring magsayaw si Vhong Navarro, ibang-iba ang grace ng Streetboys, sayaw talaga ang ginagawa nila, hindi basta pagwawala lang sa entablado. May footwork si Billy, pero sabi ko nga, hindi magandang magsayaw ang malalaking tao.

“Lalo ko pa siyang inayawan nu’ng mapanood ko siya sa ASAP na nagbabakla-baklaan. Bastos siya, masyadong mababa ang tingin niya sa mga bading, wala siyang utang na loob talaga dahil maraming bading ang nakatulong sa kanya sa mga ambisyon niya.

“Kuya Germs is gay, ang mga tumulong sa kanya sa ABS-CBN, karamihan, bading, pero ginagawa niyang joke ang pagiging bading!” inis na inis na pahayag ng tumawag sa amin.

HALOS GANU’N DIN sa pananaw ng dalawa naming kaibigan ang sinabi ng pangatlong tumawag sa amin. Bastos si Billy Crawford, ginagawa niyang katatawanan ang kabadingan, wala siyang respeto sa ikatlong lahi.

Napanood din namin ang mga eksenang tinutukoy ng aming mga kausap, kahit kami’y nahalayan sa mga ginawa ni Billy, hindi siya si John Wayne Sace na gumanap sa papel ng isang bakla sa Maalaala Mo Kaya na ang galing-galing.

Nasa isang variety show si Billy Crawford, hindi hinihingi ang ginawa niyang pagbabakla-baklaan sa kabuuan ng programa, pero may kayabangan kasi talaga ang singer-TV host na ito.

Balita nga nami’y maraming kasamahan niya sa ASAP at PDA ang naiinis sa kanya, masyado raw kasing feeling guwapo at magaling ang lalaking ito, kaya maraming nagtataka kung bakit siya nagustuhan ni Nikki Gil.

Nasa Pilipinas na siya, kaya sana’y hubarin na ni Billy Crawford ang kulturang kinalakihan niya sa kung saanmang lupalop ‘yun, kailangang makibagay siya sa bansang bumubuhay na sa kanya ngayon.

Cristy Per Minute
by Cristy Fermin

26 thoughts on “Billy Crawford, bastos sa mga bakla! – Cristy Fermin

  1. Funny article this is! Hindi ba ang ironic nito? Kasi for me, mas BASTOS at walang RESPETO sa karamihan ng mga artista si Fermin. Puro negative chismis ang lumalabas sa bibig, walang preno, walang pake kung may masaktan man siya. Kung meron man siyang pinupuring artista, ito yung mga nagfeeling close lang siguro sa kanya para di niya mabati. Feelingera ka Cristy.

  2. andaming artista ang nagbabaklabalaan, bakit c billy crwford lang ang na-single out ng mga badiday as “bastos”? katawa naman mga chupador! pwe!

  3. Yes inis lang talaga ako kay Cristy fermin.. tinitita nya lahat artista para supalpalan sya ng pera at tumigil kc sya mukhang pera lang talaga db dati ganun ginawa nya kay willy tapos nung yumaman c willy sinupalpalan na nya pera c cristy yun papuri na lahat ginagawa nya kay willy.. saka c Billy Crawford di sya against mga gay kc respetado nya kuya Germs!

  4. BOBO CRISTY FERMIN!!NO CREDIBILITY!!! KAYA NGA WALA KA NG SHOW E…UMAASA KA LANG SA YAMAN NG HAMBOG MONG FRIEND NA SI WILLIE… WALANG KAWENTA KWENTA ANG ARTICLE MO>>>PURO KASINUNGALINGAN…. IF I KNOW, GUSTO MO LANG SIRAAN SI BILLY KAYA GUMAWA KA NANAMAN NG KWENTO….. BRUHA KA SHREK!!! SANA NABABASA MO ANG MGA COMMENTS SYO NG MGA TAO PARA MATAUHAN KA NA…

  5. MAGTIGIL KA NGA CRISTY FERMIN.
    PALIBHASA… HINDI KA NABIBIYAYAAN NG PAYOLA MULA KAY BILLY KAYA NAGNGANGANGAKNGAK KA NA NAMAN.

    ANG DAPAT SA YO, SUPALPALAN NG PERA DAHIL PERA LANG NAMAN ANG NAGPAPATAHIMIK SA MATABIL AT MADUMI MONG BUNGANGA.

    I WAS TALKING THE OTHER DAY WITH A RESPECTED TALENT AT ABS-CBN… NEVER KA NA RAW MAKAKABALIK PA SA DOS.

    BWAHAHAHA!

    ANG SAMA KASI NG UGALI MO! KASINGPANGIT NG MUKHA MO! EPAL KA!

  6. anu ba naman tong article na to.. dun sa mga baklang nag react, im sure billy did that for fun lang.. sensitive? eh ganun naman talaga kayo kumilos kaya siguro affected kayo.

    saka, ibig ba sabihin pag nag bakla baklaan na yung mga artista, galit na kayo? arte nyo!

  7. dapat mag-quit kna sa pag-susulat wala na naniniwala sayo cguro nbabasa mo nman tong mga comments ng madlang ppl syo..

  8. Tigilan mo na yang paninira sa mga artista Cristy. Mag bagong buhay ka na para ma-bless ka ulit ni Lord. Pareho lang kayo ni Alfie Lorenzo. Sa tingin mo ba may naniniwala pa sa yo? Lahat ng sinusulat mo ni isa walang kapanianiwala – puro imbento paralang may isulat ka! May mga kaibigan ka pa ba?

  9. cristy wah ka lang ma-say karaniwan lang nman yun sa atin ang mas masama kung me particular na gay talagang ginaya si billy mayabang na talaga to kahit nung bata pa siya sa thats e….sa mga gag show dami ginagayang mga bakla wala nmang bumabatikos..tsk tsk…cristy masyado na ytang obvious paninira mo sa talents ng dos..sige ka mabubuhay sa sinapupunan mo c toshio yung bata sa the grudge..

  10. Gumagawa ka na naman ng kwento. Puro imbento lang naman. Bakit hindi mo pangalanan ang mga kaibigan mong bading baka maniwala pa ako sa yo. Lahat ng kwento mo puro kathang isip. Ganyan ka pag hindi mo gusto ang artista dahil wala kang napapala. Si Willie lang ang sinasamba mo bruha ka – pareho lang kayong mga plastic!!!

  11. pamanjipot ng pwet ng aso at baka magreklamo pa ang aso pang ipinamahid sa pwet nila to ang mga basura na isinusulat mo dapat sa iyo gawing bala ng kanyon para may kabuluhan ang pamumusaysay mo,at may tapang ka pang magsulat ng ganito ewwww….

  12. pamanjipot lang ng pwet ng aso at tinapa ang mga basura na isinusulat mo dapat sa iyo gawing bala ng kanyon para may kabuluhan ang pamumusaysay mo,at may tapang ka pang magsulat ng ganito ewwww….

  13. e ano ang tawag kay fermin,sino ang nagsasalita nagpapapansin wala na kasing raket,karma tawag dyan yung tabloid na ito pwedeng pamajipot kaya lang baka magreklamo ang pwet ko pag ginawa ko tissue paper makabili ng joy!

  14. alam pala ni fermin ang salitang bastos kaya ka nga napatalsik sa buzz dahil pasimuno ka dyan,ano pa si kawawawee bastos sya sa lahat ng nilalang kulang ka lang sa padulas!

  15. Cristy ikaw lang ang nakapuna nyan. Tarantada ka talaga.

    It was for fun.. Andami mo satsat. Mas bastos si willie sa lake tahoe. Panuorin mo sa u tube yung pinaggagawa nya.

    Parehas kayo na walang modo.

  16. bakit pusong babae ang tawag mo sa bakla. Lalaki pa rin sila, pero ang preference ay same sex. Hindi porket gusto nila ay lalaki eh gusto nilang maging babae, GAGA!!

  17. Si Billy Crawford, bastos sa bakla? Eh Cristy Fermin naman, si Willie Revillame na alaga mo at abot langit ang pagpuri mo ay BASTOS SA LAHAT ng TAO. kE MATANDA, BABAE, BATA, PANGIT, DUKHA AT MAHIRAP, PANDAK..lahat na…binabastos niya.

    Bakit di ba nag aabot ng pera sa iyo si Billy?

  18. Si Billy Crawford, bastos sa mga bakla? Eh si Willie Revillame..bastos sa lahat ng tao eh. Ke matanda, babae, pangit, mahirap, dukha, pandak, lahat ng klaseng tao..bastos si Willie na abot langit kung purihin mo eh, Cristy Fermin.

    Hindi ba nag aabot si Billy Crawford sa iyo?

  19. HAYAAN NIYO NA SI BILLY WALANG CAREER KASI SA EUROPE KAYA BALIK PINAS!

  20. hmmmnnn billy is a bisexual nd he is top i guess…lolz!!
    kse ang mga pamintA ay galit sa kapwa bakla…lmao!!
    diba si rustom galit din sa bakla noon,,yun pla berde rin pala ang dugoo..yun ang tunay na nakakasuka!!!!
    i love gayssss…mas mabuti nalang magpakatotoo wag nang magkunwari,,dba papa sam,papa piolo, christian bautista at erick santoss???? lolzz!!

    • Pano ka naman nakakasigurado na bading sila????

      tanga, kung ayaw mong mambastos ang mga tao sa mga bading, wag rin sila mambastos sa mga staright.