Billy Crawford, balik-Europe para sa kanyang bagong international album

NAGMISTULANG SANTA Claus ang Best Male TV Host (for ASAP) in this year’s 26th PMPC Star Awards for Television nang mag-buena mano ito among young actors sa pagbibigay ng munting salu-salo sa ilang press people kamakailan.

Naikuwento ni Billy sa nasabing pagtitipon ang pagbubukas muli ng panibagong edition ng Pilipinas Got Talent with his good friend Luis Manzano, na tinatawag niyang Lolo Boy na mapapanood sa first week ng February 2013. Bukod pa d’yan ang pagiging co-host niya sa ASAP at sa daily noontime program na It’s Showtime.

Naikuwento rin nito na by September next year ay muli siyang babalik ng Europe kung saan magre-record siya ng panibagong album at para na rin sa promotion nito at ilang shows na gagawin niya roon at tatagal siya roon ng 2014 kung saan bago mag-Disyembre ay muli siyang babalik sa bansa.

NAUNA NANG nagbigay ng blessings ang ABS-CBN sa press people sa kanilang taunang Christmas Party na isinagawa ng corporate communications headed by Bong Osorio sa Dolphy Theater last Tuesday.
Kung saan bumaha ng pagkain, inumin at naglalakihang salaping pa premyo sa raffle. At ang pinakainabangan ng lahat ay ang pag-rampa ng 12 female members of the press na counterpart ng 24K Girls ng Kapamilya, Deal or No Deal na talaga namang sobrang saya ang naramdaman ng mga kapatid sa panulat nang lumabas na sila sa stage, ayos na ayos sa red dress at high-heeled shoes, huh! Pati nga mga tomboy na writer, ginawang tunay na babae. Hahaha!

At after ABS-CBN ay sinundan naman ng TV 5 ang pagbibigay-saya sa press people sa kanilang Christmas Party na bumaha rin ng pagkain, inumin at papremyong salapi sa kanilang raffle draws. Nag-enjoy rin nang husto ang mga kapatid sa panulat sa kasasayaw, kung saan pumili ng Stars of the Night na pinagwagian nina Rey at Karen, samantalang nanalo naman for Dancers of the Night sina Alex Datu at Evelyn Diao.

Wina naman ng grand prize na worth P20k si Janice Navida, habang wala namang umuwing luhaan dahil lahat ng dumalo ay nagwagi ng salapi. Kaya naman sobrang happy at thankful ang press people sa ABS-CBN at TV 5 sa sobra-sobrang pagmamahal na ibinibigay nila sa entertainment press.

VERY MEMORABLE daw ang ginawang paglibot ng dalawang Artista Academy grand winners na sina Vin Abrenica at Sophie Albert sa magagandang lugar sa Dubai nang magkaroon ng promotion doon ang TV 5 International.
At kahit nga baguhan sa industriya ay hit na hit ang mga ito sa mga OFW sa Dubai na sumubaybay noon ng  . Maraming humanga sa kanilang talents. Maging ito’y sa pagkanta, pagsasayaw at pag-arte dahil total performer ang dalawa, nagkaroon ng live show sila roon na parehong umawit at sumayaw.

Excited na nga sina Vin at Sophie dahil ka-join sila sa newest soap ng TV 5 dahil makakasama nila rito ang nag-iisang Superstar na si Nora Aunor at Alice Dixon na mapapanood early next year.

SUSUPORTA ANG Tween Stars ng GMA 7 na sina Teejay Marquez at Hiro Magalona sa 1st Back to Back Concert ng unti-unti nang sumisikat na boyband sa bansa, ang UPGRADE, at ng young rapper na si DJ Joph.

Magaganap ang nasabing konsiyerto sa Dec. 9, 2012 8pm sa Music Box Timog na hatid ng MHU Productions at sa pakikipagtulu-ngan ni Ms. Peng Santiago. Bukod kina Teejay at Hiro ay makakasama rin ng UPGRADE at ni DJ Joph sina Canadian beauty queen/singer na si Gina Damaso at ang mainstay ng Walang Tulugan with the Master Showman na si Joven Moreno.

 

John’s Point
by John Fontanilla

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.