Billy Crawford at Nikki Gil, nauwi rin sa hiwalayan

PERSONAL NAMING mga kaibigan sina Nikki Gil at Billy Crawford, kaya na-sad kami nang wagas nu’ng malaman naming sila’y split na. As of now walang ibig magsalita sa kanila tungkol sa kanilang nakaraan at kung ano ang dahilan ng kanilang paghihiwalay.

Nu’ng nag-tweet nga kami eh, an’daming na-shock. Baka raw nagsisinungaling lang daw kami. Pero kumpirmadong wala na nga ang magdyowa. Juice ko, sino nga naman ang makapagsasabi ‘no? Para ma-shock ang mga tao at malungkot kahit hindi naman nila kaanu-ano ang dalawa, ibig sabihin, gusto nila ang relasyon nina Billy at Nikki.

Kaso, talagang gano’n ang buhay, eh. Hindi nga natin alam kung ano ang puwedeng maganap bukas, ‘di ba?

Ang importante, sa apat at kalahating taon ay naging masaya sila. At may natutunan.

Oh My G!
by Ogie Diaz

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.