Billy Crawford at Nikki Gil, magpapakasal na after 5 years

FIVE YEARS na ang love relationship nina Billy Crawford at Nikki Gil. Habang tumatagal, lalong nagiging matatag ang kanilang samahan bilang mag-dyowa. Respeto, pagtitiwala sa isa’t isa, communication at pananalig sa Panginoon ang formula ng kanilang relasyon.

“I wish si Nikki na nga, you never know what will happen,” say ng TV host/singer.

Ayon kay Billy, hindi raw sila nagmamadali ni Nikki sa paglagay sa tahimik. Marami pa silang mga pangarap na gusto nilang magkaroon ng katuparan. “Siguro when I reach the age of 35. I’m 30 now so, let’s wait for another 5 years. Hopefully, by that time, puwede na akong mag-asawa,” aniya.

Kahit gaano ka-busy si Billy as TV host ng Showtime at Pilipinas Got Talent, naisisingit pa rin niya ang acting. Katunayan nga, nasa cast siya ng Oh Mama Mia ni Direk Wenn Deramas. Ilang comedy films na rin sa Viva Films ang kanyang nilabasan.

Kailan kaya natin mapapanood ang binata sa isang drama series ng Dos? “Hindi ko kakayanin ang puyat sa soap, okay na akong may dalawang TV show. Hindi ako puwede sa straight drama, alam ko kung hanggang saan lang ako. Si Nikki, magaling ‘yan, stage actress ‘yan. She’s a good ctress, saludo ako. Hindi ako puwedeng makipagsabayan sa kanya sa acting kaya sa comedy na lang ako. At saka, si Direk Wenn lang naman ang nag-offer sa akin to do film. Alam niya kung ano ‘yung bagay na role para sa akin, ‘yun,” ani ni Billy.

 

NANG DAHIL sa controversial issue nang paghihiwalay nina Ai-Ai delas Alas at Jed Salang, naungkat tuloy ang diumano pakikipagrelasyon daw ng comedy queen sa isang tomboy na director. Nagsimula ito nang isiniwalat ni Ai-Ai sa The Buzz ang totoong nangyari sa kanilang mag-asawa at kung bakit gusto na niyang makipaghiwalay.

Sobrang raw na-trauma ang box-office queen sa ginawang pananakit sa kanya ni Jed. Kaya’t kahit anong pilit ng asawa na maayos ang gusot sa kanilang dalawa, hindi binigyan ng pagkakataon ni Ai-Ai na makausap pa ito. Para sa comedienne, tinatapos na niya ang anumang ugnayan nilang dalawa kahit kasal siya rito sa Las Vegas.

May tsika nga, nag-react ang pamilya ni Jed sa mga naging pahayag ni Ai-Ai sa show ni Boy Abunda two Sundays ago. Sobra naman daw ang ginawang nitong paninira sa asawa. Puro kasamaan na lang nu’ng tao ang sinabi ni Ai-i. Parang walang nang nagawang mabuti si Jed para sa kanya.

Ayon sa kampo ni Jed, kung hindi raw pino-provoke ni Ai-Ai si Jed, hindi nito masasaktan ang asawa. Ang comedienne daw ang nagsimula, tinalak-talakan nito ang asawa. Parang minamaliit nito si Jed, parang nanghahamon. Ininsulto raw ni Ai- Ai ang pagkalalaki ng asawa kaya’t agad na nagdilim ang isip nito at nangyari ang hindi dapat mangyari.

Hindi natin alam ang buong pangyayari kung bakit nangyari ‘yun. Tanging sina Ai-Ai at Jed lang ang nakaaalam sa totoong pangyayaring umbagan.

Sa sobrang galit daw ni Jed kay Ai-Ai, ikinukuwento raw nito sa mga malalapit na kaibigan kung gaano ka-sex maniac ang kanyang asawa pagdating sa kama. Hindi raw makuntento ang magaling na komedyana sa first and second round. Humihirit pa raw ito ng third round sa pakikipag- sex at walang labasan ng kuwarto, tsika sa amin.

Tinatawanan lang ni Ai-Ai ang intrigang ito tungkol sa kanya. Ang nakakaloka, hindi alam ng comedy queen na may lihim palang itinatago si Jed. Nang mapangasawa niya si Ai-Ai, saka palang umugong ang tsismis tungkol sa pakikipagrelasyon ni Jed sa isang mayamang bading. Proud na ikinukuwento nitong naging lover niya si Jed.

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

loading...

3 thoughts on “Billy Crawford at Nikki Gil, magpapakasal na after 5 years

  1. Haaaaa,, After 5 years magpapakasal na ung taong kamukha ni popeye na kala mo tinipos..

  2. eh ano pa bang hinihintay ng dalawang ‘yan? pero ang tibay ni billy, huh! paano kaya niya napipigilan ang sarili na dyugdyugin si nikki, hmmmm… ‘di kaya may ibang kadyug? hehe!

Leave a Reply

Your email address will not be published.