Billy Crawford at Coleen Garcia, binigyang-malisya lang daw ang kanilang closeness

Billy-Crawford-Coleen-GarciaSA MAGKAHIWALAY ng interview namin kina Billy Crawford at Coleen Garciaay parehong binigyang-linaw sa amin ng dalawa na nabigyan lang ng malisya ng ibang tao ang lumabas na larawan nila sa Dugout Sportsbar sa Bacolod mahigit isang linggo na halos ang nakararaan.

Ayon kay Coleen hindi lang siya close at sweet kay Billy, kundi maging sa iba niyang mga kasamahan sa It’s Showtime katulad nina Vice Ganda at Teddy Corpuz. Wala naman daw siyang nakitang masagwa o masama sa lumabas na larawan, walang malisya gaya ng iniisip ng ibang tao.

Paliwanag naman sa amin ni Billy, alangan namang nasa isang bar kayo at nag-uusap ay hindi ka lumapit sa kasama mo at ilapit ang bibig mo rito ‘pag may sinasabi ka? Tulad ng sinabi ni Coleen, para kay Billy ay binigyang-malisya na lang ng ibang tao ang lumabas na mga larawan.

Pagod na ring magpaliwang sa mga isyung kinasasangkutan niya mula pa nang makumpirma ang break-up nilang dalawa ng ex-girlfriend na si Nikki Gil, tangggap ni Billy na may kani-kaniyang opinyon at saloobin ang bawat tao at ‘di niya makokontrol ang kahit na sino sa kung ano ang gusto nitong isipin at sabihin.

Coleen-Garcia-Billy-CrawfordConsitent pareho sa pagsasabi na walang relasyong namamagitan sa kanilang dalawa, magkakapatid lang sila sa It’s Showtime, dagdag na paliwanag nga sa amin ni Coleen ay isang taon na siyang walang boyfriend sa ngayon, at ang gusto niya muna ay magpokus siya sa kanyang career.

Katulad ng young actress, wala pa rin sa isip ni Billy ang pumasok sa panibagong pakikipagrelasyon pagkatapos ng limang taong relasyon nila ni Nikki.

SA PRESSCON ng bagong teleserye na papalit sa dating slot ng Juan dela Cruz, nakausap namin si Angel Aquino na isa sa kontrabida kasama si Joel Torre. Excited sa role na gagampanan kung saan medyo kikay na kontrabida bilang asawa ng aktor sa istorya, sa galing umarte ni Angel ay tiyak na pag-uusapan na naman ang pagganap na ipakikita niya rito.

Nauwi rin sa hiwalayan ang isang taong relasyon sa kanyang businessman boyfriend, sa ngayon ay single pero masaya ang actress/TV host sa piling ng kanyang mga anak.

Nahingan ng reaksyon sa nababalitang espesyal na relasyon sa ex-boyfriend na si Lui Villaruz at Comedy Concert Queen na si Ai-Ai delas Alas, goodluck ang mensahe ni Angel para sa dalawa kung totoo nga na may relasyon na ang mga ito. Ang pagpapalahaga sa kalayaan ang isa sa mga bagay na ‘di nagustuhan at ‘di rin pinagkasunduan nina Angel at Lui sa kanilang relasyon, dahil may mga anak ang aktres na dapat niyang isipin at unahin. Itor rin ang bagay na balita namin ay ine-enjoy ni Ai-Ai sa company ni Lui, kung saan klinaro din naman ng komedyana sa mga interview niya na wala silang relasyon sa ngayon ni Lui at magkaibigan lang silang dalawa.

Maiba Lang
By MELBA R. LLANERA

loading...

One thought on “Billy Crawford at Coleen Garcia, binigyang-malisya lang daw ang kanilang closeness

  1. sana nga true yang friends ngalang kau…kc kung hindi ang kakapal ng fez nyo lalo kana billi popeye my pagalet -galet kpang nalalaman samga ngbabash ikamo k colleen starlet…anyway lalabas at lalabas din ang 22o!!!

Leave a Reply

Your email address will not be published.