Billy Crawford and Nikki Gil, nakapanghihinayang ang halos perpektong relasyon

MARAMI ANG nanghinayang sa relasyong Billy Crawford at Nikki Gil na nauwi lang din sa hiwalayan. Imagine, magli-limang taon na ang kanilang samahan at masasabi nga nating ‘perfect match’ na ang dalawa at marami na ang nagsasabing mauuwi na nga sa kasalan ang kanilang pag-iibigan.

Until recently, bumulaga sa mga balita na hiwalay na nga sila sa hindi malamang dahilan. Wala pa ring nagsasalita both camps sa tunay na dahilan kung bakit nauwi ang near perfect relationship nila sa hiwalayan.

Babalikan lang namin ang panayam namin kay Nikki last March 6, 2013 kung saan sinabi nitong happy raw silang dalawa ng boyfriend na si Billy at going strong ang kanilang samahan.

Nagkuwento pa nga ang singer-actress kung ano ang naging sikreto nila at napanatili ang masayang samahan. “Communication, lagi kaming nag-uusap, lagi kaming nag-a-update-an sa nagaganap sa buhay ng isa’t isa. Kung meron kaming pinagdadaanan ,we deal with it na kaming dalawa lang.”

Kung may mga hindi man daw sila pagkakaunawaan, they made sure na maayos daw ito kaagad. Lahad ni Nikki, “Si Billy  ano ‘yan e, hindi siya nakatatagal nang magkagalit kami. Kahit siya ‘yung mali, ayusin niya ‘yan kaagad. Basta ayaw naming tinutulugan ang away. Ako kasi, ‘pag babae kasi ‘pag nagalit, matagal lumamig ang ulo, siya ‘yung nanunuyo talaga… alam mo pero ‘pag mali ako, I’m the one to apologize.”

Selosa ba siya? “Selosa ako, siya rin naman seloso rin siya, normal na lamang ‘ata ‘yun sa mag-irog.”

Kuwento pa ni Nikki noon, napag-uusapan na raw nila ang kasalan dahil magli-limang taon na rin daw ang kanilang relasyon. “Oo naman, five years na rin kami e, pero nothing serious, wala pa naman talagang siguradong plano, or wedding (plans), wala pa roon. Pero papunta na kami roon, kasi nag-iipon na kaming dalawa.”

Dagdag pa niya, “Siyempre ‘yun ang gusto namin, kasi ‘di ba sayang naman ‘yung five years na ‘yun kung hindi, ‘di ba? Siyempre I want him to be the one na, I want this to work. Pero hindi naman kami nagmamadali, kasi bata pa naman kami. Marami pa kaming kailangang asikasuhin.”

Panigurado pa niya noon, “Ako, I believe in sowing and reaping honesty and loyalty and all this good things and I’m very happy.”

Three days ago, sa Instagran account ni Nikki, nag-post ito ng larawan kayakap ang aso niya. Ayon pa rito, “Charlie baby gimme some lovin.”

Sa It’s Showtime naman noong Biyernes, the show must go on pa rin si Billy at naka-smile pa rin ito habang nag-deliver ng kanyang opening spiels.

Sa panayam naman ng TV Patrol, matapos ang It’s Showtime ay todo-iwas si Billy na magbigay ng interview.  Sa tanong kung kamusta na siya, sagot nito, “I’m great, I’m good.”

Pakiusap pa ni Billy, sasagutin daw niya ang tungkol sa isyu sa tamang panahon. Aniya, “I’ll answer everything next time.”

Sa kanilang Instagram accounts, 9 weeks ago ang huling post ni Billy ng litrato niya kasama si Nikki samantalang ang huli ay 5 weeks ago naman ang huling post kasama ang una.

Sure na ‘to
By Arniel Serato

loading...

8 thoughts on “Billy Crawford and Nikki Gil, nakapanghihinayang ang halos perpektong relasyon

  1. THEY ARE BOTH NICE GUY,,,,, BUT ITS GOOD HE ADMITTED HE CANT FUNCTION AND DO WAT HE HAS SPOS TO DO… THERE ARE 2 REASONS OR MORE,,,,,MAYBE HE IS A GAY , MAYBE HE S ON DRUGS, MAYBE HE S SICK..BIPOLAR , MAYBE… ITS A BLESSINGS IN DGUISE FOR NIKKI … ITS NOT THE END YET..YOU ARE SOOOO PRETTY, TALENTED, KIND, AMZING GIRL… SO MANY GOOD GUYS WILL GO AFTER YOU…INCLUDING ME…BUT OFCOUIRSE I WLL NOT PROPOSE DI AKO BAGAY HEHE… GET THE BEST ONE… AND DONT RUSH… ..ALWAYS PRAY AND GOD WILL QUIDE YOU… HE SEE YOU NOW THATS WHY YOU BROK ///UP… … I UNDERSTAND YOU BILLY. YOU TOO GOD BLESS

    • Agree, things happens for a reason.  It is what it is and if they are meant for each other, they will cross their path again someday. 

    • ISANG PUMAPASOK SA ISIP KO EH BAKA ADDICTED SA PORN ITONG SI BILLY. LALO NA NA SIGURO HINDI SIYA MAKA-SCORE KAY NIKKI. SIGURO, ILANG BESES NANG NAHULI NI NIKKI NA NAGBABATIBOT SA COMPUTER. HAHAHAHAHA. WILD IMAGINATION LANG YAN HA PERO POSIBLE. DEVAH? SABI KASI NI BILLY, DASAL NYA NA MA-SAVE SYA AT MAPAGLABANAN NYA ANG DEMONYO. HAHAHAHAHA. KALOWKAH!

  2. SAYANG …..PERO MABUTI NMAN YAN KESA NAMAN NAKASAL NA KAYO TAPOS MAREREALIZE NYONG AYAW NYO NA PALA SA ISAT ISA

  3. I am a big fan to this couple but I am really sad that it did not progress to matrimony after almost 5 years. Nikki is still so young  anyway and I guess Billy is confused of whatsoever. He maybe battling depression, I am simply guessing. In my opinion if the relationship is beyond 4 years and still not married at some point well somehow one person has a problem and obviously  Billy is the one who is battling some kind of confusion . That means his love to Nikki is simply not enough to really fight for it  and its too bad  and sad  for me as a fan. But at the end of it though it will be Billy big loss  and somehow he will regret it but who knows they might get back together? Or it depends?

Leave a Reply

Your email address will not be published.