Guesswhodoes: Billy and Nikki do the PDA

Hindi na maitago pa ng Kapamilya artists na sina Billy Crawford at Nikki Gil ang kanilang relasyon. Marami ang kinilig dahil sa wakas umanin na ni Billy Crawford sa isang talk show kung gaano niya kamahal si Nikki at nasabi pa niya na ang dalaga na raw ang gusto niyang pakasalan at makasama habambuhay. O, di ba, ang haba ng hair ng ate natin?

Unang nagkakilala at nagka-develop-an kinalaunan sina Billy at Nikki (magka-rhyme pa ang mga namesung, huh?) sa Pinoy Dream Academy Season II kung saan pareho silang host at nagsasama rin sila tuwing Linggo sa ASAP ’09.

Nahuli ng ating parazzi cam ang ating mga lovers who are obviously playing the right music together in perfect tone and harmony. Public display of affection, ba? Naks naman! Mukhang naging mushy na rin kami rito dahil sa mga larawang ito! Magtuluy-tuloy na kaya ang relasyong ito? Sana naman dahil hindi na rin bumabata si Billy at si Nikki naman, matagal na rin naka-move on sa break-up nila ni Gab Valenciano, na jowa ngayon ni Rachelle Ann Go.

Guesswhodoes
by Mica Rodriguez
Photos by Allan Sancon

loading...

3 thoughts on “Guesswhodoes: Billy and Nikki do the PDA

  1. Alam nyu, para silang mga manika. Barbie & Ken! Nakakatuwa lang.:)

Leave a Reply

Your email address will not be published.