Billboards ng mga Pulitiko: TULOY ANG BAKLASAN

NANININDIGAN ANG MALACAÑANG sa kautusang inilabas ng Department of Interior and Local Government at ng Department of Public Works and Highways kaugnay ng pagbabaklas ng mga billboard at tarpaulin ng mga lokal na opisyal at mambabatas na ipinangangalandakan ang kanilang pangalan sa mga proyekto ng gobyerno.
“I think right now, the order will stand,” sabi Secretary Ricky Carandang ng Presidential Communications Development and Strategic Planning Office.
Ang pahayag na ito ni Carandang ay bilang reaksiyon sa pagkukuwestiyon ng ilang Kongresista sa kautusang magbabaklas sa kanilang mga billboard na na nagsasaad ng pangalan ng mga pulitiko na siyang nagpasimuno sa mga pagawaing bayan sa pamamagitan ng kanilang pork barrel o regular na budget sa lokal na pamahalaan.
“They can question it… but until it’s been proven otherwise, I think the departments can do that,” ani Carandang.
Malinaw, ani Carandang, ang mensahe ni Pangulong Noynoy Aquino laban sa “self-promotion”. Aniya, galing sa kaban ng bayan ang mga pondong ginagamit sa mga proyekto ng gobyerno, kung kaya’t ang mga proyektong pinondohan ng gobyerno ay ‘di dapat na kilalaning proyekto ng pulitiko, kundi ng mga mamamayan.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.