Bilis sa usad ng kaso ni Arroyo, kinuwestiyon ng eksperto

ILANG LEGAL EXPERTS tulad ni San Beda College of Law Dean Fr. Ranhilio Aquino ang nagtataka sa napakabilis na pangyayari sa Comelec en banc at sinundan din ng napakabilis na pagpapalabas ng warrant of arrest mula sa Pasay City RTC.

Ayon sa pahayag kahapon ni Dean Aquino, duda siya kung ganito rin kabilis kumilos ang Comelec sa ibang mga hawak na reklamo.

Naniniwala ang eksperto sa batas na dapat niresolba muna ang constitutionality ng Comelec-DoJ panel bago naglabas ng resolusyon.

Nababahala rin ang nasabing law expert dahil baka nawala na ang independence ng Comelec at nakiayon na sa kumpas ng Palasyo para lang maharang ang dating Pangulo at hindi maipatupad ng TRO ng Korte Suprema.

Hinggil naman sa Pasay City RTC, may 10 araw naman daw ang judge na pag-aralan ang mga impormasyon para mabusisi nang maayos ang mga dokumento lalo sa ganito kabigat na reklamo na isang non-bailable offense. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.