Bilang ng mga Batang Malnourished, Bumaba

NAGING MATAGUMPAY ang isinagawang anim na buwang feeding program ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas, nang bumaba na ang bilang ng mga malnourished na bata sa nasabing lungsod.

Ayon kay Navotas City Mayor John Rey Tiangco, nitong nakalipas na taon ay nasa 4.8 na porsiyento ang taas ng mga batang malnourished hanggang sa bumaba na lamang ito sa kasalukuyan sa 1.1 %.

Ito’y sa pakikipagtulu-ngan na rin ng Sanggunian Kabataan, Barangay Council, Barangay Health Workers at City Social Welfare Development na umabot sa 1,134 na mga batang malnourished ang nabigyan ng suplay ng mga masustansiyang pagkain at bitamina sa loob ng 6-na buwan mula sa 14 na barangay.

“The LGU is happy with the remarkable drop in the number of malnourished children but we are still continuing the program to completely eliminate these cases since we believe that the health of our constituents is very vital, especially our children.” Ani pa ng alkalde.

Layunin din ng lungsod na sa pagtatapos ng taon 2012 ay maging zero malnourished ang lungsod.

Kaugnay nito, nakiki-pagtulungan na rin ang Department of Health sa pamahalaan lungsod para sa pagkolekta ng bagong datos na bilang ng mga batang mababa ang timbang o malnourished simula ngayong buwan hanggang Marso para sa paghahanda ng mga pangunahin suplay sa gagawing feeding program na magsisimula sa Abril 2012.

(MARY H. SAPICO)

 

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.