Bilang Kapalit ni Corona Binay, ayaw kay Carpio

HINDI UMANO gugustuhin ni Bise-Presidente Jejomar Binay na maitalagang chief justice ng Korte Suprema si acting Chief Justice Antonio Carpio. Ito ay matapos magpahayag si VP Binay na magmimistulang isang ‘landmine’ si Carpio sakaling maitalaga ito kapalit ng pinatalsik na dating Chief Justice Renato Corona.

Nauna nang inakusahan ni Corona si Carpio ng pakikipagkuntsabahan umano sa Malacañang para itulak ang impeachment complaint laban sa kanya at para mapatalsik siya. Sinabi ni Corona na matagal nang nais ni Carpio na maging punong mahistrado.

Sa kolum naman ni Rigoberto Tiglao sa isang broadsheet, nauna na nitong inihayag na si Binay ang ‘tunay na target’ ng impeachment trial kay Corona. Ayon sa source ni Tiglao, ang pagtatalaga kay Carpio bilang chief justice ay makaaapekto sa nabinbin na electoral protest na isinampa ni Mar Roxas laban kay Binay.

Si Avelino Cruz ang pinuno ng legal team ni Roxas noong 2010 elections, at co-founder ng CVC Law office kasama sina Pancho Villaraza at Antonio Carpio.

Samantala, nilinaw naman ng Office of the Vice-President ang naging pag-ayaw umano ni Binay kay Carpio.

Sa isang press statement, sinabi ng OVP: “While jokingly referring to the question about the non-inclusion of acting Chief Justice Antonio Carpio in his list as a ‘landmine,’ Binay said in fairness to Carpio, he is the second most senior justice but there have been cases when the next in rank was not selected as the new Chief Justice.”

“Supposedly number two siya sa ranking. Iyon nga lang, may mga pagkakataon na hindi nasusunod iyan. Natatandaan ko noong kay Justice (Art) Panganiban, hindi naman siya ang number two noong ma-appoint siya. Marami namang magagaling na justices kahit way, way back pa,” sabi pa ni Binay.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.