Biktima ng salvage, itinapon sa kalsada

ITINAPON SA KALSADA ang bangkay ng hindi pa kilalang lalaki na sinasabing sinalbeyds sa Caloocan City kahapon ng umaga.

Inilarawan ang biktima na may taas na 5’5” hanggang 5’7”, medium built, naka-pulang shorts at itim na shirt.

Sa ulat, alas-5:45 ng umaga nang makita ang bangkay ng biktima sa C-3 Rd. ng lungsod.

Agad na itinawag sa pulis ang biktima, kung saan may balot ng masking tape ang mukha, nakagapos ang mga kamay at paa at laslas ang leeg.

Nagsasagawa na ng follow-up operation ang mga pulis hinggil sa nasabing insidente.

(MARY H. SAPICO)


 

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.