Biktima ng salvage, inilagay sa banyera ng isda

NAGMISTULANG NAHU-LING BUTANDING ang isang kelot na biktima ng summary execution makaraang itapon ito sa bakanteng lote na nakagapos at pahigang inilagay sa malaking banyera ng isda kahapon ng umaga sa Navotas City.

Ang biktimang wala nang buhay nang matagpuan sanhi ng tinamong tama ng bala sa ulo mula sa ‘di pa mabatid na kalibre ng baril ay si Noli Villain alyas Pagkit, nasa hustong gulang, ng R-10, North Bay Boulevard South (NBBS) Navotas City.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-9 ng umaga nang matagpuan ang bangkay ng biktima sa bakanteng lote sa Market 3 Congsignacion Fish Port, ng nasabing lungsod.

Ayon sa saksi na isang batang lalaki, tumungo ito sa naturang lugar para dumumi subalit nakita nito ang bangkay ng biktima na nakagapos at nakahiga sa banyera ng isda. Dahilan upang ipaalam ang nasabing insidente sa pulisya.

Inaalam na ng mga awtoridad ang motibo sa pagpaslang sa biktima at sa pagkakakilanlan sa mga salarin.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.