Biktima ng Rape-Slay, Natagpuan sa Bakanteng Lote

RIZAL—PINANINIWALAANG GINAHASA muna bago pinatay ang isang babae na natagpuang hubo’t hubad at wala nang buhay sa isang bakanteng lote sa Antipolo, City.

Base sa imbestigasyon ng Rizal Scene of the Crime Office (SOCO), ang hindi nakilalang biktima ay isinalarawan na nasa  pagitan ng edad 25 hanggang  30, may taas na 4’5” hanggang 5’0”, maigsi at kulot ang buhok, katamtaman ang katawan  at fair complexion.

Ang biktima ay mayroong isang tama ng saksak sa kanyang sikmura at wala ring kahit na anong saplot sa katawan.

Sa ulat, dakong alas-6:00 ng umaga nang madiskubre ang bangkay sa Blue Mountain Subd, Brgy. Sta Cruz, Antipolo City.

Nabatid sa mga residente ng lugar na dakong alas-3:00 ng madaling-araw nang makarinig sila ng malalakas na sigawan mula sa isang babae at lalaki hanggang sa makita ang bangkay kinaumagahan.

Ang nasabing lugar ay mistulang abandonadong subdibisyon dahil sa halos kakaunti pa lamang ang nakatira at masyadong madilim pagsapit ng gabi.

Nagsasagawa na ng malalimang imbestigasyon ang pulisya para mabatid kung sino ang salarin at ano ang dahilan ng pamamaslang.

(GIGI CONVOCAR)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.