Biktima ng Pananaksak: Kelot, Nahulog sa 3rd Flr ng Hotel, Patay

PATAY ANG isang  33-anyos na lalaki matapos itong pagsasaksakin ng hindi nakilalang salarin at nahulog pa mula sa ikatlong palapag ng isang hotel sa lungsod ng San Fernando, La Union.

Nakilala ang biktima na si Terry Nestor Ayarcon, residente ng lungsod ng Baguio at pansamantalang nanunuluyan sa nasabing hotel.

Sinabi ni P/Supt. Manuel Apostol, hepe ng San Fernando City Police Station na maaaring nagkaroon umano ng foul play sa pagkamatay ng natu-rang biktima base sa mga bakas ng dugo na nagkalat sa loob ng tinutuluyan nitong silid.

Ayon kay Apostol, sugatan din umano ang katawan ni Ayarcon sa pananaksak.

Hindi pa rin nila mabatid kung sadyang tumalon ang biktima mula sa bintana ng hotel o inihulog ito ng suspek.

Samantala, nagpapa-tuloy pa rin sa kanilang imbestigasyon ang mga awtoridad upang malaman ang motibo at ang responsable sa nangyaring insidente.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.