Biktima ng maling sistema!

 

• 0926157xxxx – Sir Tulfo, gusto ko pong humingi ng payo para po sa aking problema. Ako po si Melvin Yaguel ng San Pedro, Laguna. Namili po ako sa isang supermarket dito sa San Pedro, Laguna at iniwan ko po ang aking bag sa kanilang baggage counter. At nang kukunin ko na ang aking bag ay wala na raw po dahil naibigay niya sa iba. At minabuti ko po na kausapin ang may-ari dahil siya ang maaaring makatulong sa akin. Pero nagkamali pala ako ng nilapitan dahil ang sabi niya ay wala siyang pakialam at kami ng bagger ang mag-usap. Sana po ay matulungan ninyo ako.

 

• 0921588xxxx – Sir Raffy, ako po ay isang dating Kabayan Action Group. Ako po ay minsang bumisita sa mga iba’t ibang klaseng bar tulad ng Maldita Peace Jazz, at Bistro Club sa lugar ng Pulilan, Bulacan. At sa bawat club ay mayroong mga VIP rooms at doon nagpapagamit ang mga kabataan na ang edad ay labing pito pataas at ang iba ay mga estudyante pa. At ito ay protektado ng mga pulis sa kanilang lugar. Sana po ay mabigyan ninyo ng aksyon ang bagay na ito. Maraming salamat po.

 

• 0908693xxxx – Mr. Tulfo, nais ko pong humingi ng tulong para sa katarungan ng aming mahal sa buhay na si Ray Tingco. Siya po ay isang roving teller ng Robinson’s Bank, Dasmariñas, Cavite branch. Siya po ay nabaril at namatay sa robbery sa loob ng mall habang ginagampanan ang kanyang trabaho. Wala pong nangyayari sa kaso, at kapag nagbibigay po kami ng bounty sa makakahuli ito po ay hinaharang ng Robinson’s. Kailangan po namin ng katarungan dahil pinatay siya nang walang kalaban-laban.

 

• 0949413xxxx – Sir Raffy, sana po ay mabigyan ninyo ng aksyon ang isang berdugong pulis dito sa aming lugar sa Las Piñas, Pedro Bordijos ng PCP 11. Sila po ay nang-huhuli nang dis-oras ng gabi at ang kanilang ginagamit na mobil ay walang plate no. At ang pulis na ito ay talagang kinatatakutan ng kanyang mga kasamahan dahil sa pagiging abusado sa kapwa. Sana po ay mabigyan ninyo ng pansin ang aming hinaing. Maraming salamat po.

 

• 0928223xxxx – Idol Raffy, isusumbong ko po sa inyo ang sobrang taas maningil ng mga airport taxi sa NAIA3. Ako po ay siningil ng P950 mula NAIA3 hanggang Bacoor, Cavite, plus toll fee. Ang dati ko naman pong ibinabayad ay halagang P200 sa taxi mula Bacoor hanggang airport. Sana po ay maaksyonan ninyo at mawala na ang mga nananamantala kasi kawawa naman po kaming mga taga-probinsiya sobra sila kung managa sa pamasahe. Nakasakay nga kami ng eroplano dahil sa mga promo na mas mura kaysa barko pero sisingilin pala kami ng mahal sa taxi. Kaya nahoholdap ang ibang mga taxi dahil sa kanilang pagiging abusado.

 

• 0916453xxxx – Sir Raffy, ire-report ko lang po ang isang pulis na abusado. Palagi po niyang tinututukan ng baril ang aking anak. Naireklamo ko na po  ito dati pero patuloy pa rin ang paghari-harian ng pulis na ito. Ang kanyang pangalan ay PO2 Maximille Yabut. Maraming salamat po.

 

PARA SA INYONG mga sumbong at reklamo mag-text sa 0917-7-WANTED o 0908-87-TULFO. Maaari ring magsadya sa aming action center na matatagpuan sa 163-E Mother Ignacia Avenue, Brgy. South Triangle, Quezon City.

Shooting Range
Raffy Tulfo

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.