Biktima ng Aman Future, Aabot sa Mahigit 500

POSIBLE UMANONG umabot sa 500 na bi-lang ang taong nabiktima ng Aman Future sa bayan ng T’boli, South Cotabato. Ayon ito sa natatanggap na reklamo ng National Bureau of Investigation o NBI-12 laban sa isang pastor na recruiter.

Ayon pa sa panayam kay NBI-12 Regional Director Angelito Magno, handa na ang subpoena laban sa recruiter na si Pastor Roland Lilio at sa pamilya nito upang magpaliwanag ukol sa mga reklamo laban sa kanila.

Handa naman umano ang Pamilya Lilio upang sagutin ang reklamo ng mga nabiktimang investors.

Aabot sa P100,000 hanggang P300,000 ang ibinigay na investments ng mga nabiktima matapos kumbinsihin ni Pastor Lilio.

Una nang nagreklamo sa NBI-12 ang higit 400 na taong nabiktima sa T’boli matapos mapanood ang hinggil sa pyramiding scam. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.