Biktima Kuno ng Dugo-Dugo Gang Katulong, kulong sa P.5-M

HINDI UMUBRA ang dahilan ng isang 19-anyos na kasambahay sa kanyang amo na nabiktima umano siya ng Dugo-Dugo Gang matapos tangayin ang pera at alahas ng kanyang amo na umabot ng P.5 milyon kamakalawa ng hapon sa Caloocan City.

Nakapiit sa detention cell ng Caloocan Police ang suspek na si Marife Agdon, 19, dalaga, tubong-Samar at stay-in kasambahay sa No.66 M. Hizon St., ng nasabing lungsod.

Sa imbestigasyon ng pulisya, may tumawag umanong tao sa bahay ng amo ng suspek na si Susan De Lara at si Agdon ang nakasagot.

Sinabi ng taong tumawag na nakausap ng suspek, nasa ospital umano ang kanyang amo matapos maaksidente, kung saan nautusan lang ito ni De Lara para ipaalam at kumuha ng malaking halaga ng pera para sa gagawing operasyon sa kanya.

Dahil dito, kinuha ni Agdon sa loob ng kuwarto ng kanyang amo ang kahon na taguan ng pera at alahas ni De Lara na aabot sa kalahating milyon.

Ayon kay Agdon, alas-3 ng hapon ay nagkita umano sila ng kanyang nakausap sa Malabon City Square at doon ay inabot ng suspek ang dalang pera at mga alahas sa taong ‘di nito kakilala.

Pagbalik ng suspek sa bahay ng amo ay laking gulat nito dahil nando’n na ang kanyang amo kaya nang madiskubre naman ni De Lara ang ginawa ng kanyang kasambahay ay ipinadampot nito sa mga pulis si Agdon. (MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.