BIKE PATROL, INILUNSAD SA SAN MATEO

RIZAL – PARA TULUYANG palakasin ang kampanya laban sa kriminalidad ay inilunsad ng San Mateo PNP ang Bike Patrol noong Lunes ng umaga, Pebero 21.

Sinabi ni San Mateo chief of Police P/Supt. Carlito Briones na layunin ng programa ang mabilis na responde ng kapulisan lalo na sa masisisip na lugar.

Nabatid na ang nasabing programa ay suportado ng kanilang alkalde na si Mayor Paeng Diaz na siyang katuwang para sa pagpapasinaya kasabay ng flag ceremony.

Sinabi pa ni Supt. Briones na maliban sa mabilis na pagresponde ay makatutulong din ang proyekto sa mga kapulisan para sa kanilang physical fitness.

“Hindi lang mabilis makakaresponde ang ating kapulisan, gaganda rin ang kundisyon ng kanilang mga katawan,” ani Supt. Briones.

Nabatid pa na magsisimula ang kanilang proyekto sa apat na bisikleta at ito madaragdagan matapos na mangako ang alkalde na full-support siya sa programa.

Kasabay nito, namahagi rin ng imported na gun holster sa 74 na kapulisan sina Mayor Diaz at Supt. Briones mula sa isang kaibigan ng San Mateo Police na nakabase sa San Francisco, USA.

Ang nasabing holster ay may tatak na “Safari” na ayon kay Supt. Briones ay magandang klase at pawang mamahalin.

(GIGI CONVOCAR)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.