Bike Lanes Mula Marikina, Binuksan Na

PINASINAYAAN KAHAPON nina Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Francis Tolentino at Marikina Mayor Del de Guzman, kasama ang ilang siklista at opisyales ng Marikina at Pasig, ang pagbubukas ng bike lanes.

Magkabilang panig ng Marcos Highway na may habang 3.2 kilometro (km) mula Marikina at Pasig hanggang Antipolo, Rizal ang binuksang bike lanes.

Sinasabing isa sa mga solusyon ito ng MMDA upang mabawasan ang pagsikip ng trapiko. Hinikayat din nila ang publiko na magbisikleta dahil mabuti ito sa kalusugan.

Una rito, nagbukas din ng bike lanes sa Remedios Circle sa Maynila noong Nobyembre 15. Bago matapos ang taon, nakatakda ring buksan ang bike lanes sa Quezon City.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.