Bigtime Pusher, Tiklo sa Loob ng Hotel

NAGING MATAGUMPAY ang ginawang operasyon ng pinagsanib na puwersa ng Provincial Anti-illegal Drugs-Special Operations Task Group (PAIDSOTG) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), sa koordinasyon ng PNP Laoag, sa isinagawang raid laban sa isang bigtime drug pusher sa Laoag City.

Nakumpiska ng mga kasapi ng PAIDSOTG at PDEA ang bultu-bultong droga o hinihina-lang Shabu na umaabot ng 35 gramo mula sa suspek na nakilalang si Frederick Arzaga, residente ng San Nicolas, Ilocos Norte na nag-check-in sa UKL Hotel and Bar sa Brgy. 17 ng nasabing lungsod.

Maliban sa droga, nakumpiska rin ng mga kinauukulan ang mara-ming drug paraphernalia tulad ng foil, lighters, weighing scale, cellphone, peso at dollar na cash, at apat na P1,000 bills.

Base pa rin sa pagsisiyasat, ang naunang drug personality na naaresto sa isinagawang drug buybust operation sa Brgy. 1, Laoag City na si Angelo Domingo ay kay Arzaga nagmula ang mga ibinebentang ipinagbabawal na droga.

Napag-alaman na ang salarin ay kasalukuyang sumasailalim sa probation at nahaharap sa kaso hinggil sa iligal na droga at iligal na pag-aari ng baril. Gayundin ang panghoholdap na naganap 10 taon na ang nakararaan.

Samantala, patuloy pa rin ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa natu-rang suspek habang inihahanda na ang kaukulang kasong isasampa laban dito.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.