Bigo sa Pag-ibig, binatang Helper, Nagbigti

NAUNSYAMING PAG-IBIG umano ang nakikitang ugat ng pagpapatiwakal ng isang binatang helper makaraang magbigti ito sa sanga ng manga sa Caloocan City kahapon ng umaga.

Kinilala P/Chief Inspector Ronald Perilla hepe, ng North Extention Office (NEO) ng Caloocan PNP ang biktima na si John Eric Magtibay, 18, binata, tubong-Batangas, stay-in helper ng PaulTess sari-sari store ng matatagpuan sa Block 5, Lot31, Villa Maria Subd., Brgy. 166, Deparo ng nabanggit na lungsod.

Ayon kay Chief Insp. Perilla, dakong alas-6:45 ng umaga kahapon na ng matagpuan ang walang buhay na biktima sa likod bahay ng Paul Tess sari sari store sa nasabing lugar.

Isang Michael Aclan, 21, kasamahan sa trabaho ng biktima, ang nakadiskubre sa nasabing bangkay na may nakataling kulay gray plastic string sa leeg at ang dulo nito ay nakatali naman sa sanga ng punong mangga.

Sinabi ni Aclan, huling nakita niya ang biktima bandang alas 9:30 noong nakaraan gabi matapos na kumain sila ng hapunan.

Wika pa ni Aclan, nakita pa niya si Magtibay na malungkot na malungkot habang may kausap na babae sa kanyang cellphone bago sila matulog.

Sa kasalukuyan, nagsasagawa pa rin ang pulisya ng imbestigasyon upang mabatid kung sadyang nagpakamatay ang biktima o may naganap na foul play.

(ROMAN MAGPOC)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.