Biglang natigil ang romansa pagkatapos ng movie Relasyong Lovi Poe at Jake Cuenca, halatang gimik lang!

KAHIT MARAMING CONTROVERSIAL issue na kinasangkutan si Lovi Poe, matatag nitong hinarap ang buhay. Tibay ng dibdib at tiwala sa sarili ang pinanghawakan ng dalaga para makamit ang pinapangarap sa buhay. Unti-unti na nga niyang nakakamit ito, tinanghal na Best Actress sa iba’t ibang award-giving bodies. Hinangaan ang husay at galing sa My Neighbor’s Wife at Temptation Island ng Regal Fims. Katunayan nga, si Lovi ang napili ni Mother Lily Monteverde na gumanap sa remake ng Aswang na pinagbidahan noon ni Alma Moreno.

Kahit maintriga ang lovelife ni Lovi, hindi ito takot umibig. Nand’yan si Jake Cuenca na seryosong nanliligaw sa dalaga. Pero teka, parang something went wrong at naudlot diumano ang love affair ng dalawa. Ayon sa aming source, parang wala na raw communication ang dalawa. Hindi malinaw kung ano ang naging dahilan at kung sino ang nakipaghiwalay, if ever na nagkaroon nga ng mutual understanding for a short period of time. Wala namang confirmation na naging sila so, papaano sasabihing naging mag-on ang dalawa ? Itanong na lang natin sa kanila. Ganu’n?

 

MORE THAN ONE year na palang divorce sina Sheryl Cruz at ex-husband niyang si Norman. Single na uli ang actress at puwede na muling mag-asawa. Pero hindi priority ng actress ang makipagrelasyon muli. Ayon kay Sheryl, “Although may mga nagpaparamdam, nagpapalipad-hangin at gustong manligaw na taga-showbiz at non-showbiz. I’m happy with my life, okay naman ako with my ten years old daughter Ashley. Gusto ko munang mag-concentrate sa work dahil magaganda ‘yung project na dumarating sa akin sa GMA-7, tulad ng Ikaw Ang Lahat sa Akin. Ang role ko rito, isa akong sosyal at mataray na kapatid ni Gardo Versoza. I wish makagawa rin ako ng soap sa Kapamilya Network. Matagal-tagal na rin, since na lumabas ako sa kanila,” say niya.

Nagka-trauma kaya si Sheryl sa pag-aasawa kaya sarado ang puso niyang muling umibig? “No naman, it’s just that I’m not ready yet to have a relationship at the moment. Hindi ko masabi kung kailangan pero definitely, darating din ‘yung si Mr. Right. Huwag nating hanaping kusa na lang siyang darating kung para talaga kayo sa isa’t isa. At saka, ini-enjoy ko muna ‘yung pagiging single ko. Ang sarap ng feeling na walang nagbabawal sa ‘yo. Lahat puwede mong gawin kaya dapat lang siguro ini-enjoy natin ang buhay dahil minsan lang tayo mabubuhay rito sa mundo,” wika niya.

Para kay Sheryl, gusto niyang mabigyan ng magandang kinabukasan ang nag-iisa niyang anak na si Ashley. “Lahat naman siguro ng magulang, gustong maging maayos ang magiging future ng kanilang mga anak. Gusto ko siyang makatapos ng pag-aaral bago niya harapin kung anuman ‘yung gusto niyang gawin paglaki niya. Gusto kong ma-experience niya ‘yung normal life, hindi tulad ko na bata pa lang ako nag-aartista na. Hilig ko naman talaga kaya pinagbigyan ako nina Mama At Papa at wala akong regrets kahit hindi ako nakatapos ng pag-aaral,” paliwanag ni Sheryl.

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

loading...

7 thoughts on “Biglang natigil ang romansa pagkatapos ng movie Relasyong Lovi Poe at Jake Cuenca, halatang gimik lang!

  1. @2facedjoker, ahahaha, natatawa talaga ako sa yo sa sinabi mong si Jake user, si Lovi, used. Very smart ka at witty. I like it, original na pagkasabi. Ipa copyright mo nga ito para wala nang ibang komopya sa Si Jake user at si Lovi used. Hahahahaha. Smart na pagka sulat mo.

  2. @Lolit, eh di bagay talaga sila. Ang madumi at ang bad breath. Eeeeeeeeeew. Sabagay, tipid sa sabon at toothpaste.

  3. Na blind item itong si Lovi na wala nang hygiene dahil daw sa drugs. Sayang. Ba’t pa sirain pa ni Lovi ang image nya, isa syang bastarda, sana pinahalagaan niya ang reputasyon nya lalo na Da King ang ama nya, pati image ni Da King, mahawa sa katarantaduhan na gagawin niya.

  4. tama! mahilig si bad breath sa tisay na maganda.  maganda si lovi poe pag may make up. siguradong bentang benta siya sa mga puti dahil sa kanyang kulay. pero madumi siyang tingnan sa tv at para siyang naka-drugs parati. grabe iyong mga dark circles niya under her eyes. at iyong katawan niya parang bata lang. sana di na siya pa-seksi. di bagay sa katawan niya. at sana mag-pa derma siya parati para di siya dominador sa tv.

Leave a Reply

Your email address will not be published.