Bigay raw kasi ng dating makapangyarihang pulitiko
Mansion ni Rufa Mae Quinto sa Amerika, pinaiimbestigahan?!

OLA CHIKKA now na! Oh, no… oh, yes! Ito talaga ang nakalolokang nasagap kong tsika na hindi lang ang mga pulitiko ang pinaiimbistigahan ang kayamanan, kundi maging ang mga artistang kaduda-duda ang pinanggalingan ng kanilang assets and liabilities kuno. Kaya lang, may impeachment din ba dito? Hehehe!

Kasi nga naman, itong si P-chi, tawag kay Rufa Mae Quinto ng mga malalalapit sa kanya, ay pinaiimbistigahan na rin ang kanyang kayamanan, lalo na ang mansion daw nito sa Amerika na bigay raw ng kanyang ex-lover na pulitiko, na dating powerful to the max, pero kinukuwestiyon din ang kanyang mga kayamanan kaya nasali ang mansion daw ni Rufa Mae.

Kung ito nga ay totoo, talagang malaking problema ito ni Rufa Mae ‘pag nagkataon. Wala na nga siyang project, kasi wala na siya sa Wil Time Bigtime sa TV5. Isa pa, tapos na ang pamamayagpag ng kanyang lover, kasi nga naman wala na silang power na ipagtanggol si Rufa Mae.

Kaya kung totoo man ito, sayang lang ang hirap ni Rufa Mae na mapasakanya ang nasabing mansion. Ito raw kasi ang bulung-bulungan sa USA. Ayan, ha? Bulung-bulungan na naman, pero ibang Rufa ang binubulong ng mga taga-USA. Kasi nga naman hindi naman daw gano’n kayaman si Rufa Mae para makabili ng mansion doon, kaya ngayon pa lamang ay natataranta na raw ito sa posibleng mangyari sa kanyang mansion. Kasi nga naman, wala nang power ang inaasahan niyang magtatanggol sa kanya o magbibigay-proteksiyon sa kanya, kundi nganga.

Kaya pala kapansin-pansin ang pagkawala ng direksiyon ng kanyang career na parang hindi niya malaman kung saan tutungo para magkaroon ng project, mga show at pelikula. Waley! Kapansin-pansin nga raw na dati-rati nu’ng kasagsagan ng love affair nila nitong politician, panay ang pabalik-balik sa America. At wala siyang pakialam sa mga iniwanan niyang show. Ang mahalaga, madatung siya at may mansion at mga branded ang mga gamit. Talagang nagbuhay donya ang rufingfing. Say n’yo? Ito ba ay true?! Nagtatanong lang po. Hahaha!

TALAGA NAMANG nakabubuwang sa Earth! May nag-chat kasi sa akin na tinitira ako ng isang has been na artista na wala namang pinagkatandaan sa showbiz. Salamat naman kung ganu’n. Kasi hindi ako marunong mag-tweet at wala akong account. Baka makakuha lang ako ng kaaway.

Karapatan ko bilang mamamahayag ang mga sinasabi ko at hindi ko kakampi ang sinasabi niyang dapat nasa kulungan pa hanggang ngayon. Sinasabi ko lang naman ang totoo. At wala akong balak bumalik pa sa pag-ho-host ng mga talk show. Tama na ang nakasama ko si Kris Aquino. Kasi never kong pinangarap na makasama ang anak niya. Baka mabahiran pa ako ng kabastusan.

Sa tinagal-tagal ko sa industriya, 45 years, kayo lang ang mambabastos sa akin? Kahit sina Susan Roces, Amalia Fuentes, Nora Aunor, Vilma Santos… kahit si Megastar Sharon Cuneta na minsan, pinagsasabihan ko sa column ko ng nega… pero kung babasahin mo nang mabuti, constructive criticism ang mag sinasabi ko sa mga comment ko.

Kaya siguro pumutak ka, kasi tumpak ang mga sinabi ko. Sorry, hindi ako pumapatol sa mga mabababaw. Talk to my lawyer. See you in court. Taray! Ikaw na talaga, ‘teh!

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

Related Post

loading...

23 thoughts on “Bigay raw kasi ng dating makapangyarihang pulitiko
Mansion ni Rufa Mae Quinto sa Amerika, pinaiimbestigahan?!

  1. KUNG AKO KAY RUFA MAE ASIKASUHIN NA LANG NIYA ANG NAGHIHINGALO NYANG CAREER HAHA! HINDI NA KASI SARIWA SI P-CHI NAPAGSAWAAN NA AT BILASA

  2. tangang writer naman nito… walang projects?? eh sabay-sabay nga nyang ginagawa ang mga movies nya for this year… about 3-4movies… mag’isip ka naman… at sobrang outdated na tong balita na to… di ko na tinapos basahin… please, mag research ka naman para kahit konteng credibility magkaroon ka…

  3. naku tingnan mo ang suso ng ruffa mae parang ang daming sinaksak na formalin!!! parang puputok at maglalabasan ang nga bulate na immune na sa formalin.  Yuckkkk! dami na kasing sumuso sina B, S, M, W, J, marami pang iba!!! Di kasali si Eric kasi baklush iyun!!! Kinulutan lang nya puday ni ruffa!!! bwa ha ha!!!

    • Hahahahaha, nakakatawa yong comment mo, agree ako dun sa suso nya, super fake tingnan talaga, malaswa. Let me see if I can guess it right sa mga initials sa itaas ng comment mo. B stands for who?, S stands for who? M probably stands for Mickey, W is for who? J is for who? Ang M lang yata ang alam ko. Sino ba yong iba?

      • J as in Jay Talo, W as in b gang, S as in name ng banda soloista, at ang pinakadakilang bading!!! E as in rhyme with camposanto!!! Hi hi hi !!! At don’t forget pala ang may pinakmalaking hotdog as in H!!! H as in ibong malaki na magaling mag basketball!!! Meron ding R sumalangit nawa!! meron ding Mayor pare!!! Dami!!! Hmmmmmmmmmmmmmm!!!! Esp esep pa!!!

  4. dyosko..hindi naman mansion bahay dito sa us ni ruffa mi.  binabayaran nya po iyon ng monthy amortization at di pa kumpleto bayad..anu ba tong vhaklang to…mag research ka nga…

  5. Bakit ba exagerrated SUPER naman ang MANSION na yan…hindi po MANSION, it is just a regular house–nothing special. Siguro MANSION yan sa mang mata ng mga nakatira sa barungbarong, sa may estero, sa may ilog, sa higanteng canal ng Araneta Avenue…It so happened that the house is in the United States of UMARIKA– Mansion na daw! Eh di ang yaman yaman ko na, tatalo ang trabaho ko para mahulugan ko buwan buwan ang MANSION ko bayaran ng mortagage kada 24 ng kada buwan~PWe! Walang kuwentang istorya!

  6. E Puta constructive criticism daw yung mga Paninira nyang write-ups Bwahahahahaha kaya naman di pumapatol ang mga artista  sa kanya dahil di sila bumababa sa level ng kabalastugan ni Swarding. Malas lang at may pumatol hahaha inamin para ding inamin ni Baklang Gurang na Walang kwenta ang mga taong bumababa sa level nya hahahaha. Kailan kaya matitigok etong Tita ko ? nayahahahahahaha

  7. ANO BA YAN TITA SWARDING, TAGAL NG CHISMIS YAN. PANO NMAN MAKAKABILI NG HAUS C RUFFA MAE SA US KUNG DI DAHIL SA  MGA KABET NYANG MAGNANAKAW NA PULITIKO.

Leave a Reply

Your email address will not be published.