Bigating Drug Personality, Dakip sa P2.6-M Halaga ng Marijuana

INIHAHANDA NA ng Philippine Drug Enforcement Agency-Cordillera Administrative Region (PDEA-CAR) ang pagsasampa ng kaukulang kaso laban sa naarestong drug personality sa lungsod ng Baguio matapos itong mahulihan ng 48 kilo ng Marijuana na nagkakahalaga ng P2.64 milyon.

Sinabi ni Emily Fama, public information officer ng PDEA-Cordillera na nadakip ang salarin  na si Florentino Piganto, 23, tubong Impugong, Tinoc, Ifugao at residente ng Sabkil, Itogon, Benguet sa pamamagitan ng buy-bust operation na isinagawa sa M. Roxas St., Baguio City.

Ayon sa opisyal, biga-ting drug personality ang suspek dahil ito mismo ang direktang umaangkat ng mga Marijuana mula sa mga plantasyon ng Marijuana at ibenibenta naman niya sa Metro Manila.

Samantala, inaalam naman ng mga kinauukulan kung may kinalaman ito sa ilang bloke ng Marijuana na nakuha sa isang bus na patungong Metro Manila kamakailan.

Sa ngayon, nahaharap ang salarin sa kasong paglabag ng R.A. 9165 o Dangerous Drugs Act of 2002.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.