Bigas, ‘no permit, no entry’ pa rin—Alcala
Sanlakas prexy ‘sopla’ sa lider- magsasaka sa isyu ni ‘David Tan’

UMANI NG batikos ang abugado at lider ng militanteng Sanlakas party-list na si Argee Guevarra sa hanay ng mga magsasaka matapos magpahayag ng kanyang hinala sa tunay na katauhan ni ‘David Tan,’ na sinasabing “smuggling king” at “utak” sa pagbaha ng mga pinalusot na bigas sa bansa sa nakaraang ilang taon.

Ayon kay Rosendo So, pangulo ng SINAG (Samahang Industriya ng Agrikultura) kuwestyunable rin ang motibo ni Guevarra sa umano’y pagpipilit nito na “gawa-gawa” o isang “phantom” si Tan ng tinatawag na ‘Quezon Mafia’ sa National Food Authority (NFA), kung saan iginiit ng abugado na ang “godfather” ay si Department of Agriculture (DA) Sec. Proceso Alcala.

“Where was this lawyer when we in the agriculture sector were fighting against smuggling?

“What was he doing when farmers suffered from the influx of smuggled rice, onions and other agricultural products?

“Why was he not making noise when we bared the P32 billion in foregone revenues in agriculture products because of smuggling?” tanong pa ni So sa kanyang pahayag sa media.

Aniya pa, kung hindi kilala ni Guevarra si Tan, maling ipilit nito na “fictitious character” si Tan. Dapat din umanong silipin kung may kaugnayan ang militanteng lider sa mga hinihinalang smugglers.

Suportado rin umano ng SINAG ang desisyon ng pamahalaan, sa pamamagitan ng Department of Justice, Department of Agriculture at Bureau of Customs na tugisin at panagutin si Tan at iba pang mga nagpapalusot ng mga produktong agrikultura na labis na umanong nagpapahirap sa hanay ng mga magsasaka.

“This David Tan is wreaking havoc in our agriculture sector. We reiterate our call for the DA to be furnished the inward shipment manifest to prevent the entry of smuggled products,” diin pa ni So.

Dapat na rin umanong humarap si Tan sa gagawing pagdinig ngayong Miyerkules ng Senado hinggil pa rin sa isyu ng smuggling.

Batay sa kanilang nakalap, ibinulgar ni So na kontrolado ng grupo ni Tan ang halos 80 porsiyento ng smuggling sa bansa habang ang balanse na 20 porsiyento ay nakopo naman ng grupo ni ‘David Lim’, na ayon sa mga ulat ay isa ring “big time smuggler”.

Idinagdag pa ni So na sablay rin umano si Guevarra sa pagpipilit nito na ibukas ang importasyon ng bigas sa pribadong sektor at kahit ang ginagawa nitong pagbatikos sa sistemang ‘government-to-government (G2G) ng DA/NFA sa pag-aangkat ng bigas.

Sa mga paunang panayam ng media, sinabi ni Guevarra na nagiging daluyan lang ng ‘kickback’ ng mga tiwaling opisyal sa DA at Bureau of Customs ang nasabing sistema.

“I cannot understand how a supposedly militant lawyer can be so anti-farmer. Does Guevarra want to kill our domestic farmers by promoting private sector importation of rice?

“I think he wants our market to be flooded with imported rice so that hundreds of thousands of farmers across the country would lose their jobs,” pansin pa ni So.

Bilang reaksyon, ipinunto ni Guevarra na “kaibigan” ni Alcala si So at mistula umanong “spokesman” ng DA chief sa mga kontrobersiyang bumabalot ngayon sa sektor ng agrikultura.

“Labanan na ito ngayon ng ‘new rice cartel’ at ‘old rice cartel’.”

Aniya pa, marapat lang na ibulgar at ipakulong ang lahat ng smugglers.

Sa panig naman ni Alcala, nilinaw nitong bawal pa ring magpasok ng bigas ang sino man nang walang pahintulot (import permit) mula sa NFA.

“All rice imports must have a permit from the NFA. If these arrive without an import permit, these must be seized,” diin pa ng kalhim.

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.