Bigas na walang import permit, haharangin ng BOC

INIHAYAG NG Bureau of Customs (BoC) kamakailan na temporaryo nitong haharangin ang mga shipment ng bigas na walang import permit kahit na hinihintay na lamang ng ahensiya ang polisiya ng pamahalaan na magpapahintulot sa foreign rice importation mula sa mga bansang pumaso na ang quarantine restrictions (QR).

Ayon kay BoC Commissioner Rufino Biazon, pinag-aaralan pa rin ng pamahalaan ang mga susunod na hakbang sa pagpaso ng Quarantine Restriction sa rice imports na ipinagkaloob ng World Trade Organization sa bansa.

Sinabi ng BOC chief na hihingi sila ng legal opinion sa Department of Justice and the Department of Agriculture hinggil sa naturang  issue.

Habang hindi pa nagagawa ang official policy, sinabi ni Biazon na iimpound nila ang mga shipment na walang import permit.

“Ang default position namin ngayon is rather make an error on the right side which means harangin ang mga shipment na walang import permit,” ayon kay Biazon.

“Kasi we are also being threatened by a lawsuit by those importers na wala daw kaming basis to hold shipments dahil lifted na ang quantitative restrictions. On the other side, pag palabasin naman naming yan based on what we believe is the lifting of the restriction aakusahan naman kami ng ibang ahensya na nagpapalusot. I don’t think we can let that happen,” dagdag pa ng opisyal.

Ito ang naging pahayag ni Biazon hinggil sa sulat ng Vietnam Food Association (VFA) noong nakaraang buwan na nagsasabing ang Pilipinas ay walang karapatan na magpataw ng restriction sa bigay sa pagpaso ng QR.

Samantala, ayon pa rin sa BoC chief na mahigit 400 container van ng rice shipment ang kasaluku-yang naka- hold.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.